Chapter 1

33 3 0
                                    

Herashia Jewel Aguwera


Off-Cam


"You"sabay lipat sa kanan ang camera, lumingon naman ako doon. "And You" lipat na naman ng camera sa kaliwa, lilingon sana ako kaso nahulog ko bigla ang camera ko.


"Argh!" napasabunot naman ako ng buhok ko dahil sa sobrang frustration.


This is my tenth take at hindi ko pa rin nagagawa!


"Bakit ang hirap mag intro!" sigaw na reklamo ko.


Nasobrahan ata ang pag sigaw ko kaya biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.


"Ate wag ka daw mainggay nakikinig ng news sila mama" saway ni Thena sa akin, nakakabatang kapatid ko.


Dalawa lamang kaming magkapatid at ako ang panganay. Puro babae kaya si Papa lang nag-iisang lalaki sa bahay kaya minsan kawawa siya sa amin. Girl Power!


"Nyenyenyenye. Labas!" parang batang sabi ko. Hmp!


I walk to my bed.


Napahiga na lamang ako sa kama ko dahil sobrang nabwibwiset na ako. Bakit parang ang dali lang sa iba yung ginagawa nila? Unfair.


Bumangon naman ako at umupo ng nakadekwatro sabay kuha ng cellphone ko at nagsearch sa youtube ng mga intro ng mga kilalang youtubers.


"Ang gaganda talaga ng intro nila hmp! Sana all" bulong ko sa sarili ko.


Kasalanan talaga ito ni Rielle, best friend kong nang ingganyo sa akin na gumawa ng vlogs dahil alam niyang matagal ko ng gusto. Ewan ko ba at bakit nagpauto ako sa kaniya at sinunod ang sinabi niya sa kin.


Hindi lang naman kasi siya ang unang nagsabi sa akin. Actually panglima na siya pero ngayon ko lang ata gustong subukan kahit na ang busy ko.


3rd year college na ako kaya di ko alam anong pumasok sa kokote ko at sinubukan kong gumawa ng video eh alam ko namang sobrang busy ako.


Binitawan ko na lamang ang cellphone ko at kinuha ang libro ko sa mga subjects ko. Hays mag aral na nga lang ako baka tumaas pa ng konti yung grades ko.


I tried to read my books to remove the frustration I felt.


Pero nahagilap na naman ng mata ko ang camera.


I sigh. "last try na lang promise" bulong ko sa sarili ko at kinuha na ang camera.


"You"sabay lipat sa kanan ang camera pero nahulog ulit. Kinuha ko ulit ang camera. I tried and tried kahit na sabi ko isang beses na lang hanggang sa,


"You"sabay lipat sa kanan ang camera, lumingon naman ako doon. "And You" lipat na naman ng camera sa kaliwa at muli doon ako tumingin. Nilipat ko naman sa harapan ang camera. "Welcome to Herashia Vlogs!" sabi ko ng may malapad na ngiti.

RecordedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon