Herashia Jewel Aguwera
On-Cam
"Gosh! Greeks di ko inexpect na aabot tayo ng 500k subs!" sabi sabay palakpak.
"Thank you for keep on supporting me." I sincerely said.
"Dahil nga naka 500k subs na tayo ay may gusto akong gawin to celebrate this day."
Napangiti naman ako sa ideyang naisip ko.
"Today's content is revealing my boyfriend." Matagal ko ng planong sagutin si Zeus, but I don't know how to say it.
Ayoko namang hintayin ko pa si Zeus na tanongin ako dahil gustong ako na naman ang mag effort for answering him. He really did prove to me that he really like in this 8 months of courting.
Ngayong nasa Last year na ako ng college, okay na kila mama na magkaroon ako ng boyfriend.
So I think this is the best way na masurprise siya.
"Pagkatapos ko itong iuupload malalaman niyo na kung sino ang boyfriend ko." Sabi ko.
"Alam ko namang matagal na kayong curious, kaya naman na isipan ko ito."
"Don't worry greeks kung ngayon niyo lang siya makilala dahil ngayon niya lang din naman malalaman na boyfriend ko na siya, kung mapapanood niya ito hihihi." Hagikgik ko.
Pero sana mapanood niya ito.
"Kung nakikita niyo greeks wala ako sa kwarto ko ngayon." I said at kinuha ang camera at inilibot ko.
"Actually nandito ako ngayon sa isang coffee shop. Dahil dito kami magkikita ng boyfriend ko na hindi niya pa alam." Kinuha ko ang cellphone ko.
"Tawagan natin." And glanced again in the camera.
Nakita ko namang nagriring na.
"Medyo kinakabahan ako ha." I said honestly. Ipinakita ko naman ang phone ko sa screen
"Baby?" halos mapatalon ako ng sinagot niya ang tawag.
Anong baby? Diba dapat hello?
"Baby?" ulit niya pa.
"Baliw!" pero tinawanan niya lang ako.
"Papunta na ako chill ka lang dyan, miss mo naman ako masyado."
I rolled my eyes.
"Ang kapal. Sige bye." Sabay baba ng tawag.