Herashia Jewel Aguwera
Off-Cam
It was already 6:30 in the evening ng makauwi ako sa bahay.
Hanggang ngayon ay nakangiti pa rin akong pumapasok sa bahay. Zeus is really an easy going person. Marami pala kaming similarities sa isa't isa.
Nalaman ko rin na isa pala siyang Engineer kaya naman pala sa isang site siya pupunta. Marami pa kaming napag usapan. Puro mga walang kwenta naman pero nag-enjoy ako.
Pagkabukas ko ng pinto ng bahay ay bumungad si Thena sa akin.
"Ate saan ka galing?" at naka pameywang pa siya sa akin.
Ginulo ko naman ang buhok niya dahil tinalo niya pa sila mama.
"Dyan lang." at inalis ang sapatos ko at nilagay sa shoe rack. I took my bunny slipper in shelves kung saan namin nilalagay ang tsinelas namin.
"Saang dyan lang?"
"Sa may tabi-tabi."
"Saang tabi-tabi?"
"Dyan lang."
"Saang dyan lang?"
"Sa may tabi-tabi nga"
"Saang tabi-tabi nga?"
"Dyan nga lang!" di ko na napigilang taasan ng boses. "Paulit-ulit na yang tanong mo ha! Ano ka boomerang? Boomerang ka girl?"
Nakakainis na din minsan si Thena ha.
"Sure kang dyan lang?" I look weirdly at Thena. Bakit ang dami niyang tanong?
"Teka lang bakit ka tanong ng tanong? Dyan nga lang ako banda sa tabi-tabi!"
"Weh? Di ka nagdate sa may café?"
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Date? Huh? Kanino? Manliligaw nga wala, date pa kaya. Adik na ata tung kapatid ko.
Kukutusan ko sana siya kaso bigla siyang tumakbo papasok sa bahay. Bigla siyang humarang sa harapan ng tv dahil nga nanonood ng balita sila mama.
"Ma! Pa! Si ate may kadate!"sigaw niya sabay turo sa akin na nasa pintuan pa lamang.
Kaya naman hinabol ko siya sa loob. Tumakbo na naman siya sa kabilang side ng upuan kaya naman nasa magkabilang dulo kami. Para kaming nagpapatintero pero merong long sofa sa pagitan namin kung saan naka upo sila mama.
"Fake news kang babaita!"
"Hindi kaya!"