Herashia Jewel Aguwera
On-Cam
"Tapos na ang klase namin ngayon." At inilibot ko ang camera sa classroom. Kumaway naman ang mga classmates ko. Natawa naman ako ng mahina. "At may pupuntahan tayo ngayon." Sabi ko. Nang maayos ko na ang mga gamit ko.
"Bye guys." I bid to them.
"May kadate na naman siya." tukso nila, pero tinawanan ko lang sila.
"Greeks 'wag kayong maniwala hahaha." Sabi ko sa harap ng camera.
"Sa waiting shed tayo maghihintay dahil nandoon na naman ang aking mysterious sundo." Habang naglalakad ako ay kinunan ko ang mga dinadaanan ko para sa maging montage ko.
Maraming taong nakatingin sa akin pero kebers hahaha.
Nakarating na ako sa waiting shed pero wala pa rin si Zeus.
"So greeks wala pa rin yung sundo ko, ano ba yan." Sabay kamot ng ulo ko.
"Itetext ko muna kung asan na siya." at nilapag ko ang camera sa may tabi at inilabas ang phone ko.
Pero bago pa man ako maka text ay nakita ko na ang white sedan niya. Napangiti naman ako. Kinuha ko na ang camera.
"Nandito na siya greeks." Sabay pakita sa kotse. Hinarap ko naman ulit ang camera sa akin.
Nakita ko siya bumaba sa kotse niya. Nakablue na long sleeve at nakablack na slack siya.
Lumapit naman siya sa akin sabay halik sa taas ng ulo ko. Kissing the top of my head was been Zeus habit since he started on courting me and I find it sweet. Hindi naman siya nakakailang kaya hindi na ako nagrereklamo.
Pero ilang beses na kaming napagkamalang mag jowa dahil sa gesture niya but his still courting me.
"I'm sorry nalate ako." He said.
"Ano okay lang. So tara?" aya ko sa kaniya.
"Greeks ayaw ko pa ring ipakita ang mukha niya, kaya sorry hahaha." Sabi ko sa camera.
Hanggang sa makasakay na ako sa shot gun seat ay nakatutuk pa rin sa akin ang camera.
"How's your day?" he asked while taking a peep on me. Isa kasi sa rules ko habang nagdridrive siya is eyes on the road.
"Okay lang naman, kaso medyo nagiging busy kasi malapit ng matapos ang semester namin."
He look at the camera.
"Don't worry hindi ka makikita hahaha."
