Chapter 7

11 2 0
                                    

Herashia Jewel Aguwera


Off-Cam


"I love the way she makes me smile, she makes me smirk, yes Sir!" sabay sayaw pa habang pababa ako sa hagdan. Kakatapos ko lang kasing maligo at isa itong himala dahil 6:30 pa lang ng umaga.


Maaga kasi akong nagising, mas nauna pa nga ako sa alarm clock ko. Wala eh ang ganda kasi ng tulog ko.


"Ate ang ingay mo!" rinig kong sigaw ni Thena mula sa baba


"Heh! 'Wag mong sirain ang mood ko!" sigaw ko pabalik.


"Bakit ba ang ganda ng gising ng Hera namin?" rinig kong tanong ni Mama.


Napangiti naman ako.


"Syempre Ma maganda ang panaginip ko." Sabi sabay upo sa may hapag.


Nakita ko si Papa na nagbabasa ng newspaper habang umiinom ng kape. Si Mama naman ay nag aayos ng mesa dahil maaga kaming nagbrebreakfast lalo na at maaga ang pasok ni Thena.


"Ano bang panaginip mo?" Papa asked.


Nakita ko namang naglapag si mama ng isa pang plato. Huh? Bakit limang plato? Apat lang naman kami.


Pero di ko na pinansin dahil nagsimula na akong magkwento.


"Kasi Pa, napanaginipan ko na may gusto raw sa akin si Zeus." Di naman ako nahihiyang banggitin ang pangalan niya dahil hindi naman nila Kilala si Zeus.


"Tapos nagpaalam daw siya sainyong manligaw sa akin. Para ngang totoo." May halong kilig ko pang sabi.


Grabe ang ganda talaga ng panaginip ko. Kung sana lang totoo pero parang imposible naman. Hays.


Inabot ko naman ang kanin pero biglang pinalo ni mama ang kamay ko.


"Bakit?" reklamo ko.


"May hinihintay pa tayo." Eh?


"Sino?"


"I invited him kahapon na dito magbreakfast." Sino nga?


"Ituloy mo na lang yang kwento mo."


Kaya naman umayos na lang ako ng upo.


"Tapos Ma grabe, pumayag kayong ligawan niya ako. Ang tawag niyo pa nga sa kaniya ay 'Zeus' na parang ang close niyo." Patuloy ko na lang sa kwento ko. Nakita ko namang lumingon si Thena sa likod ko pero di ko na pinansin.


"Tapos ikaw Pa, Engineer ang tawag mo sa kaniya hahaha." Aliw na aliw kong kwento.


RecordedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon