TANGHALING tapat ay lakad takbo ang ginawa ko para makaabot sa aking unang klase. Unang klase kasi namin ngayon ay ala-una at computer 'yon. Naipit ako ng traffic habang papunta ako sa Univeristy. Medyo malayo ang bahay ko sa University kung saan ako nag-aaral. Dalawang oras mahigit ang biyahe at nadadagdagan pa ito pag inabot ng traffic.
Hindi naman ito ang first day of classes pero ayaw na ayaw 'kong nale-late. Kung puwede lang na lagi akong maaga ay mas mabuti pero dahil sa traffic late na ako kung minsan nakakarating.
Papasok ako ngayon sa building nang may nakabungguan ako.
"Shit, I'm sorry. Nagmamadali kasi ako," sambit ko agad habang nakayuko at tinulungan ko siyang kunin ang mga gamit na nakakalat sa sahig dahil sa bungguan namin.
"Salamat," aniya at tinanggap ang mga inaabot ko. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha nang nakabungguan ko dahil busy pa ako kakatingin sa sahig baka mayro'n pang natira.
"'Yan, wala ng natira. Sorr-," naputol ang pagsasalita ko nang makita ko ang mukha niya.
Fuck?! Malutong 'kong mura sa 'king sarili ng mamukhaan ko ang lalaki. Si Aaron 'yon. Ang ka-school mate niya dati na sobrang crush niya.
"Wayde?" Pagtatanong pa nitong sabi at halata rin ang gulat sa mukha nito. Tumango naman ako bilang tugon.
Kilala niya ako dahil sinasali ako ng mga teacher namin sa mga contest at nananalo naman ako. At kilala ko naman siya dahil siya lagi ang pangbato pag may pageant na nagaganap sa eskwelahan namin.
"Ikaw nga. Kumusta ka na?" Nagtaka naman ako dahil parang feeling close ito, pero siyempre kinilig din dahil kinamusta niya ako.
"Ayo-," naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay group chat namin ng mga kaklase ko na naging kaibigan ko na rin ang nakita ko. Gold squad ang pangalan ng group chat namin, binuksan ko agad ito.
Eri: Saan na kayo? Parating na prof.
Jel: Kanina pa ako nandito.
Eri: Hindi naman ikaw, Jojoy e. Si Barni at Wayde tinatanong ko!
Barni: Otw, nandiyan na prof?
Gen: Oo, kakarating lang.
"Shit!" Napamura ako ng malutong dahil male-late na nga pala ako.
"Hey, Wayde? Ayos ka lang?" Napatingin naman ako kay Aaron na nasa harap ko pa rin ar nakatingin sa'kin ng may pagtataka.
"Sorry, next time na lang. I have class pa." 'Yon lang ang nasabi ko at hindi ko na siya hinayaang magsalita dahil tumakbo na ako papasok sa building.
Nasa tapat na ako ng classroom at may professor na nga sa loob. Dahan-dahan naman akong pumasok para hindi maka-istorbo sa klase. Si Sir Felix kasi ay hindi naman mahigpit sa late. Ang sabi niya pag-late kami ay pumasok na lang agad paa makahabol sa klase.
Kinawayan naman ako ni Joana, isa sa kaibigan ko at tinuro ang katabi niya na may bag niya. Pagkalapit ko ay kinuha niya ang bag niya at inilagay sa lapag.
"Friend, bakit ka late?" Tanong agad nito pagkaupo ko pa lang.
"Hay nako, naipit ako sa traffic. Baka nga si Barni naipit din sa traffic kaya late e," sambit ko at kumuha ng notebook at ballpen.
"Hahaha, baka nga pagdating ni Barni rito ay tapos na ang time ni Sir. Alam mo naman 'yon." Natatawa naman kaming dalawa sa sinabi niya.
Ilang saglit pa ay nakinig naman na ulit si Joana kay Sir at ako naman ay kung ano-ano sinusulat. Mahilig ako mag-calligraphy at kadalasan ito ang ginagawa ko sa klase. Pati ang mga notes ko ay may mga calligraphy.