Nagising ako sa ingay ng phone ko, may tumatawag do'n at nang abutin ko iyon ay si Aaron ang nakita 'kong tumatawag.
"Baby? Good morning." Malambing ang boses nito habang binabati ako.
"Good morning din. Ang aga mong tumawag. Wala akong pasok ngayon."
Second semester na at nag-iba na rin ang schedule namin. Dalawang beses na kami sa isang linggo walang pasok. Tuesday at Saturday. At ngayon ay Tuesday kaya wala kaming pasok si Aaron naman ay mayro'n dahil ang rest day niya ay Thursday at Saturday.
Sa nagdaang buwan na kami ni Aaron ay wala masyadong problema bukod sa lagi akong pinapagalitan ni Mama. Close na siya sa mga kaibigan ko at lagi siyang sumasama kapag may lakad kami. Masaya ang mga nagdaang buwan. Nakakarinig man kami ng hindi maganda sa university ay hindi na namin 'yon pinapansin dahil iniisip lang namin ang sarili naming kasiyahan.
"Nasa school na ako. Wala pa kasing prof, kaya tumawag muna ako sa 'yo. Naistorbo ba kita?" Pagtatanong nito.
Umiling naman ao kahit hindi niya nakikita bago sumagot. "Hindi naman. Kumain ka ba bago pumasok?"
"Yes, opo. Ikaw? Kain ka na. Update mo ako sa mga gagawin mo today ha?" Paalala pa nito.
Saglit pa kaming nag-usap pero nagpaalam na rin agad ako nang may marining akong katok galing sa labas. At sakto rin naman nando'n na rin prof niya kaya hindi na siya masyadong nangulit.
"Kuya?" Pagtawag sa akin ni Wil nang makita niya na akong binubuksan ang pinto ko.
"Bakit, Wil? Ang aga nangangatok ka?" Nagtataka kong tanong dito. Hindi naman kasi nito hilig kumatok kung kanina ng ganito kaaga.
"Pinapatawag ka kasi ni Mama, may sasabihin yata," sabi nito napatango naman ako sa kanya.
"Sige, mauna ka na sa baba. Mag-aayos muna ako bago bumaba." Sumunod naman agad ito kaya bumalik ako sa kama para ayusin 'yon. Pagkatapos ay kumuha na ako ng damit para makaligo muna bago bumaba.
Ano kayang sasabihin sa akin Mama. Paulit-ulit sa aking utak habang naliligo ako.
Natapos naman na ako agad at bumaba na nga sa kusina. Nakita ko silang lahat nando'n. Bigla naman akong kinabahan pero napawi 'yon no'ng ngumiti sa akin si Mama.
Umupo naman ako sa puwesto ko at nagsimula ng kumuha ng pagkain. Wala pa ring nagsasalita kaya nagsimula na akong kumain. Nakita ko namang kumain na rin sila. Baka pagtapos na lang namin kumain kami mag-uusap.
Nang matapos ay nakaupo pa rin kami pero si Wil nagpaalam na kanina para pumasok.
"Wayde." Tawag sa akin ni Mama ikinalingon ko agad. "Tumawag ang Tita mo. Kung p'wede ka raw pumunta sa bahay nila para bantayan 'yung pinsan mong si Leon. May lakad kasi ang Tita mo."
Napabuga naman ako dahil akala ko ay papagaligan ako, 'yon pala pagbabantayin lang ako sa pinsan ko.
"Ayos naman Ma. Anong oras ba raw? Para makapaghanda na ako," sambit ko at paunti-unti ng nagliligpit ng pinagkainan namin.
"Ihahatid kita 'ron, Wayde. Kaya mag-ready ka na. Bago ako pumasok ay idadaan kita," sabi ni Papa at umalis na para siguro maghanda na pumasok. Nakaligo na ito at nakabihis. Kulang na lang ay ang magsuklay at sapatos.
"Ako na rito, Wayde. Ang sabi naman ng Tita mo ay ihahatid ka niya pauwi rito." Tumango na lang ako at umakyat na ako ulit sa kuwarto.
Ang dinala ko lang ay ang charger at wallet. May mga damit naman kasi ako ro'n sa bahay ni Tita kaya naman hindi na ako nagdala. Pagkababa ko ay nakita ko na si Papa at inabot niya sa akin ang isang helmet.