Chapter 11

16 3 2
                                        

MAGKIKITA kami ngayon ni Aaron. Nasa isang kainan kami malapit sa university. Kasama namin ang mga kaibigan ko pero nasa ibang table sila na malapit sa amin. Ganito lagi ang setup kapag umaalis kami ni Aaron, kasama sila pero lumalayo sila kapag kailangan na naming mag-usap ni Aaron.

"Baby, okay lang ba talagang nagkikita tayo sa ganitong kataong lugar? Baka may makakita sa atin at baka magsumbong sa Mama mo." Ganito lagi ang linyahan ni Aaron kapag nagkikita kami sa maraming tao.

Kung hindi kasi sa condo niya ay sa ganitong lugar kami pumupunta. Kinakabahan din naman ako sa ganito pero sa isang buwan naming ginagawa 'to ay wala namang nasasabi sila Mama. Minsan nga ay maaga akong pumapasok at minsan ay late ako kung umuwi pero wala silang sinasabi.

"Isang buwan na naman tayong ganito. Wala namang nalalaman sila Mama. Baka ayos lang ganito dahil kasaman naman natin ang mga kaibigan natin," sabi ko rito at nagsimula ng kumain.

Kuwentuhan lang kami kung anong mga nangyari ngayong araw at syempre hindi mawawala ang kulitan. Masaya lamg kaming nagkukuwentuhan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Mama ang tumatawag kaya naman nawala ang ngiti ko sa mga labi.

"Baby, sino 'yan?" Takang tanong ni Aaron at pinakita ko naman sa kan'ya ang cellphone ko, kung kanina ay nagtataka siya ngayon naman ay ngumiwi na.

Sinagot ko naman ito sa harap na ni Aaron, hindi na ako nag-abalang tumayo dahil alam na naman ni Aaron.

"Wayde? Saan ka na? Umuwi ka na at pupunta ka pa sa bahay ng Tita mo para ro'n ka matulog." Bungad sa akin ni Mama.

"Sige po, Ma. Pauwi na po. Medyo traffic lang po kasi." Pagdadahilan ko at 'yon lang naman ang pinag-usapan namin bago kami magpaalam sa isa't-isa.

Pagkauwi ay nakita ko si Mama sa kusina. Nag-aayos ito, lalapit na sana ako para magmano pero hindi niya inabot sa akin ang kamay niya at sumenyas nalang na umalis. Kaya naman wala akong magawa at umakyat na lang para makapag-ayos na rin.

Nang makapag-ayos na ako ay bumaba na agad ako. Kita ko si Wil na kakauwi lang siguro ay galing sa pagba-basketball dahil pawisan pa ito habang naka-jersey.

"Kuya, sana ka pupunta?" Pagtatanong nito nang makita niya ang ayos ko.

"Kila Tita, do'n ako matutulog," sagot ko sa kan'ya.

"Sige po," sambit niya at umakyat na rin para makapagbihis na rin.

"Wayde, halika rito!" Medyo mataas nag boses na sabi ni Mama kaya naman bigla akong kinabahan. "Ano na naman 'tong ginawa mo?" Galit na parang naiiyak niyang tanong.

"M-Ma? Ano po ba ang sinasabi niyo?" Pagtatanong ko dahil hindi ko alam kung anong ginawa ko.

"Hindi ba ang sinabi ko ay layuan mo ang lalaking 'yon! Bakit lagi na naman kayong magkasama? Hindi ka ba talaga titigil o gusto mo munang huwag na kitang pag-aralin para magtanda ka! Gusto mo 'yon?" Halos mabingi ako sa sigaw ni Mama at lumakas ang tibil ng puso ko.

"M-Ma, paan—," naputol naman ang sasabihin ko ng binagsak niya sa mesa ang cellphone niya at kinuha ko naman agad ito.

Una kong nakita ang picture namin ni Aaron last week habang kumakain sa labas. Marami pang larawan ang nando'n, iba-iba. May masaya kaming parehas, nakasimangot at mayro'n ding nakaakbay. Lahat ng iyon ay ngayong buwan lang nangyari.

Ano ba ang nangyayari? Tanong ko sa aking sarili dahil hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko alam kung saan galing ang mga picture na 'yon.

"'Wag kanang magmaang-maangan diyan na akala mo ay wala ka talagang alam. Ano ba, Wayde! Hindi ka ba talaga makikinig sa akin. Hiwalayan mo 'yan bago ako magsawang magsabi sa 'yo at gumawa na lang agad ako ng paraan." Pinal na aniya bago umalis sa aking harapan.

FS1: Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon