"BALITA 'te? Hindi mo pa rin sinasagot si Aaron?" Taning ni Erika nang maiwan kaming dalawa sa room.
"Ano ka ba, isang linggo pa lang. Sasagutin agad? Ano? Atat na atat mag-jowa?" Pagtataray ko rito habang inaayos ang bag ko.
"Hay nako, 'te! Syempre hindi naman panliligaw ang pinapatagal kundi relasyon. Tsaka, kilala mo naman na 'yon si Aaron, kilala ka na rin niya. Ano pang inaantay niyo dalawa?" Medyo sermong niyang sabi at naglakad na palabas kaya sumunod agad ako rito.
"Hindi pa rin naman kasi nagtatanong yung tao. Alangan namang pangunahan ko? Jusk!" Sabi ko pa nang makahabol ako sa kanya.
"Why not do the first move? Hindi naman dahil siya yung nanliligaw siya na agad lahat magfi-first move."
"Wala naman akong sinasabing gano'n."
"Parang gano'n na rin kaya 'yon," sambit niya at ni-lock na ang pintuan. Dahil nga siya ang president ng klase, siya ang magbubukas at magsasara ng pinto at ibabalik sa taga-hawak ng susi rito sa university.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Parehas kaming gulat ni Erika ng marinig namin ang boses ni Vance na nasa gilid na lang namin ngayon.
"A-ano... Wala." Mabilis na tanggi ni Erika at humarap ulit sa pinto para i-lock 'yon.
"Weh? Alam ko naman kung anong pinag-uusapan niyo 'no."
"Alam mo pala e, bakit nagtatanong ka pa?" Mataray na tanong ni Erika at tumingin ulot kay Vance. Ako naman ay nakatayo lang kung saan nakatayo kanina habang nakatingin kay Vance.
"Gusto ko lang malaman sa mismong bibig niyo, lalo na kay Wayde. So..."
"Ano bang alam mo, Vance?" Bigla kong tanong nang lumingon ito sa akin ng may nakakalokong ngiti.
"About kay Aaron." Nakangiti nitong sabi.
"What?!" Sigaw ni Erika.
"Paano mo nalaman?" Pagtatanong ko naman.
"Baka gusto niyo munang umupo. Hindi yung dito tayo sa labas ng classroom." Yaya niya kaya napatango naman kami ni Erika.
"Ay! Saglit lang, sauli ko muna 'tong susi." Biglang sabi ni Erika.
"E? Do'n na lang tayo. May mga upuan naman do'n e." At napatango naman kami sa suhestiyon ni Vance.
Nang masauli na namin ay umupo kami sa gilid ng ofdice dahil may mga upuan naman do'n. Kaunti na lang ay tao sa university dahil uwian na rin naman ng ibang course. Kapag umabot na kasi ng alas-sais hanggang alas-syete, halos uwian na ng mva estudyante, iilan na lang ang natitira para sa alas-nueve na uwian.
"Ano na, Vance. Kuwento na. Pa-intense ka pa riyan e." Sabi agad ni Erika ng makaayo na kaming tatlo sa pagkakaupo.
"Alam ko yung tungkol kay Wayde at Aaron." Iyon pa lang ang binanggit ni Vance ay kinabahan agad ako. Hindi ako makatingin sa harap ko kung saan nakaupo si Vance. Si Erika naman na ang nakipag-usap kay Vance nang maramdaman niyang wala ako sa wisyo na kausapin si Vance.
"Paano mo nalaman, Vance? Kanino? May pinagsabihan ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ng katabi ko.
"Hindi kayo magaling magtago ng ganito, Erika. Isang beses narinig ko na lang kayo sa classroom na nag-uusap tungkol kay Aaron, katulad kanina, naabutan ko rin kayo. Sinong hindi makakahalata? Lagi kayong magkasama. Laging nagpapahuli kung hindi, nangunguna naman. No'ng una kong nalaman hindi ako sigurado kaya hindi ko pa sinabi, pero kanina sigurado na ako." Simula ni Vance at nagkatinginan nga ni Erika sa sinabi niyang 'yon.