Chapter 2

55 5 12
                                    


"HOY 'te! Ano tulaley ka na naman diyan." Biglang sabi ng katabi ko at sinundot pa ang tagiliran ko, buti na lang ay wala akong kiliti ro'n.

"Ano ba 'yan, April. Shh ka lang diyan at nakikinig ako kay Sir." Kunwaring sabi ko at tumingin sa harapan.

"Utot mo blue, nakikinig titig na titig ka nga kay Sir diyan. Kung 'di ko lang alam na crush mo si Aaron baka isipin 'kong may gusto ka kay Sir Geronimo." Bulong pa nito sa 'kin.

"Gaga ka! 'Wag ka nga," sambit ko na lang at pinilit ang sarili 'kong makinig kay Sir pero hindi talaga mawala sa isip ko ang huling chat sa 'kin ni Aaron kagabi. Gusto niya raw kasi na sabay kaming mag-lunch para raw magkumustahan.

"Shh, 'wag kayong maingay, marinig kayo ni Sir." Saway naman ni Erika na nasa harapan namin ngayon.

Hindi na naman kami umimik ni April. Tumingin kami sa harapan at nakinig na kay Sir.

"May thirty minutes pa si Sir, ang aga talaga niya lagi magpalabas," sambit ni Garien na inaayos na ang bag.

"Hindi pa kayo nasanay, lagi namang ganyan si Sir." Natatawang sabi ni Hannah.

"Okay na 'yon, may klase pa tayo ng alas-dos e. Tapos twelve-thirty na. 'Pag late tayo pinalabas, tayo rin kawawa," sabat naman ni Vance.

"Tama rin naman. Tara kain na tayo?" Yaya ni Jelina at nagsimula ng maglakad.

Sakto namang nag-vibrate ang phone ko, kaya tinignan ko ito.

Aaron Davis:

Nasa labas ako ng classroom niyo. :)

"Shit!" Napamura naman ako nang mabasa ko ang chat niya.

"Friend, ayos ka lang?" Biglang pagtatanong ni Joana na nasa tabi ko, tumigil din ang mga kaibigan ko para tignan ako.

"Anong nangyari? Bakit ka namumula?" Inosente namang tanong ni Dianhel.

"A-Ah, hindi ako makakasabay ng lunch."

"Bakit?" Nakataas ang kilay ni Jael habang nagtatanong.

"Niyaya kasi ako ni Aaron, sabay raw kaming mag-lunch. Tapos nandiyan na siya sa labas." Paliwanag ko at rinig ko naman ang impit na tili ng iba 'kong kaibigan.

"Nasa labas? Tara, tara labas na tayo." Excited namang sabi ni Hannah at lumabas na nga kami.

Pagkalabas namin ay nakita ko si Aaron sa tapat ng pintuan, nasa may railings siya nakaharap sa pinto. Ngumiti ito nang magtama ang mga mata namin.

"Guwapo," rinig 'kong bulong ni Erika.

"Sana all," sambit naman ni Jelina at Vance.

"Hi?" Bati ni Aaron nang makalapit kami sa kanya.

"Hello. Sorry, naghintay ka ba ng matagal?"

"Ay 'te! Ang pabebe ng boses mo," ani Jael na malapit sa 'kin.

"Ayos lang, hindi naman ako matagal naghintay. Hello, Jael." Pagbati rin nito kay Jael. Siyempre magkakilala sila.

"Aaron, hello. Kumusta?" Tanong ni Jael.

"'Tsaka na kayo magkumustahan. Sabay ka na lang sa 'min mag-lunch Aaron." Yaya ni Gen. Halata sa mukha ni Aaron ang pag-aalinlangan pero tumango rin 'to.

Sabay-sabay na nga kaming naglakad palabas ng University at nag-uusap lang ang mga kaibigan ko. Ako naman ay tahimik lang at katabi si Aaron na tahimik din.

"So? Pakilala mo naman kami Wayde." Nakangiting sabi ni JL nang makaupo na kami sa table namin. Naka-order na kami at sabay-sabay ng umupo.

"A-ah sige," sambit ko. "Aaron, mga kaibigan ko. Vance, JL, Jelina, April, Hannah, Dian, Iyah, Garien, Nika, Erika, Joana, Gen at siyempre si Jael. Guys, si Aaron, schoolmate namin ni Jael no'ng highschool." Pagpapakilala ko sa kanilang lahat.

FS1: Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon