IV - I've got a crush on you

276 8 6
                                    

Lumipas na ang isang buwan dito sa Sto. Niño Academy.

July na ! “Nutrition Month” na naman at 8 months na lang graduate na kami …

Goodbye highschool life !

Pag Nutrition Month, may Food Festival at ilang pagtatanghal ang nagaganap dito sa school.

At sympre may pinaghahandaan na naman ang section namin na paligsahan para sa food fest.

“Green is Environment” ang theme ng Food festival namin.

Oh diba? Puro green leafy vegetables ang makikita niyo.

Next week na ang food fest. Kaya super busy ang mga estudyante at mga guro ngayon.

Tuwing uwian may meeting ang buong section namin.

Pero biglang nagannounce si Mrs. Catalino na gamitin ang oras ngayon para magkaroon ng meeting. Kaya tuwang tuwa naman ang mga classmates ko dahil wala kaming klase ngayon. Mga estudyante nga naman oh !

Suggestions doon , suggestion dito.

Dahil sa sobrang kaingayan ng mga classmates ko ayan nahihirapan na tuloy ang president namin.

“Guys!!  Guys!! Huwag malunggay .. hello?! Eww lang! super duper common na yun eh!” sabi ni Luz , ganyan talaga magsalita yun may halong kaartehan.

Pagkatapos niyang magsalita puro “oo nga naman” ang naririnig ko sa mga classmates ko.

Maraming suggestions ang pinagbobotohan naming ngayun , kung anu ang lulutuin at kung anu ang designs sa booth namin.

Makalipas ang klahataing oras may napagdesisyunan na sila na gagamiting gulay, kangkong ang napili nilana gagawan ng dish.

Tok**Tok**Tok**

Biglang may kumatok sa room namin ..

Binukasan naman ito ni president at kinausap siya nung kumatok sa labas ng room

After nilang magusap pinapasok niya yung kumatok kanina

(O_O)

Si … si … si Jasper??

Bakit siya andito?!

“guys quiet muna kayo! Nandito ang music club president at vice president na si Jasper at Paul para magannounce raw ” sabi ng president namin

Marami akong naririnig na bulong bulungan sa likod, mga fan girls nila ata yung mga classmates ko

May mga kinikilig pa nga eh .. at si Luz?  Ayun! Kumikinang ang mga mata purkit nakakita lang ng dalawang gwapo eh.

“ang mga prinsipe ko” bulong niya sakin tapos tinapik pa ako bigla kasi siyang lumipat ng upuan, yung sa katabi ko para makalapit siya sa dalawang nasa harapan ko.

“oo na lahat naman ng gwapo prinsipe mo eh” bulong ko rin sakanya

“che!”

Grabe si Luz pag may gwapo active yung 5 senses niya. Nakakatawa lang

“hoy thea! Ayan na ang dreamboy mo oh nasa tapat mo na! pagkakataon mo na yan! Gora kana!” sabi niya with matching kutitap eyes.

“Ayoko nga hindi naman ako papansinin niyan eh”

“ewan ko sayo bahala ka nga!”

Last week kasi nagkaroon ng election of officers per club at dahil sa masipag akong bata, sympre stalker mode ako

STALKER MODE: ON

Sa music club ako nagtungo, samantalang Math Club si Akira (President) at Arts Club si Luz.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon