Uso sa wattpad ngayun ang malaFAIRYTALE at cute love stories ...
Minsan isa sa magpartner ang mayaman, gwapo/maganda o parehas pa sila ..
Pero aminin na natin na bawat isa sa atin pangarap magkaroon ng malaWATTPAD lovestory na may happy ending
kagaya ko ? yup ! kagaya ko .. aminin ko, want ko rin magkaroon ng ganung love story pero siguro "in my dreams " ..
saka libre lang mangarap ah ..
Ako nga pala si Althea Cruz, 4th year highschool ng Sto. Nino Academy.
mahilig ako magbasa ng mga stories, ma fictional or romance man sa wattpad at isa sa favorite story ko ay yung " If i Fall" ni ate leng :D favorite ko talaga yun ! kahit mahaba yung story ubod ng ganda naman ! yes gagamitin ko ang word na ubod ^.^ bawat chapter nakakapanabik, wala kang oras na sasayangin sa pagbabasa nito. Kahit hindi ako makarelate sa story, EH KASI NAMAN WALA AKONG LOVELIFE, talang adik na adik akong basahin ito. Halos araw araw ba naman akong nagbabasa sa laptop na regalo ng magulang ko nung last birthday ko ng IF i Fall ..
minsan nga umaabot ako ng 1:00 a.m kakabasa ko
Kaya ngayung 1st day of school puyat ako at feel ko buong maghapon matutulog lang ako sa klase ! eh kasi naman !
SA MGA READERS : wag niyo po akong tutularan ! hehehe :D tsk tsk bad girl .
ano nga ba ang kwento ko?
1st i'll describe myself and also my background,
Maganda ako (oo ! aminado ako dun sympre :) alam ng laitin mo ang sarili mo ... hehehehe ... Pero sa totoo lang hindi ako mahilig magayos ng sarili, wala akong pakialam kahit dugyot na ako siguro part yun ng pagiging bata ko .. may pagkabatang isip pa kasi ako eh pero half lang .. nakaeyeglasses ako malabo kasi mata ko since elementary pa ako .. and mataas ang grado nito so makapal ang lens tapos yung buhok ko kulot kulot , yung haba nito kalevel na ng pusod ko medyo magulo ! pero kahit papaano nasusuklay pa naman .. imaginine niyo na lang itsura ko ! sabi ko sainyo bata pa kasi ako) , mahirap lang ang pamilya namin (pero hindi naman ubod ng hirap, kahit papaano nakakaraos naman), may sarili kaming sari-sari store at si nanay, midwife sa barangay namin, tahimik ako (hindi kasi ako mahilig makipagusap eh lalo na karamihan sa mga classmates ko mayaman, may mga cellphone sila , ipad & etc. samantalang ako laptop lang ang meron ako at yung laptop na yun 2nd hand pa pero masaya pa rin ako kasi I don't care kahit hindi kami ganun kayaman at least masaya kami) , hindi rin pala ako matalino siguro nung nagpamigay si Papa God ng talino absent ako kaya siguro ganun ..
Nasa last section ako ngayun , may 6 sections ang 4th year , nasa section F .. ganun naman ako every year hindi naman ako nagbabago ng section laging nasa last section and minsan out of 50 students nasa top 47 ako ..
kung inaakala niyo na katulad ako ng ibang girls sa wattpad nagkakamali kayo .. hinihiling ko nga na sana kaparehas ko na lang sila .. at sana ako na lang yung nandun sa story .. pero isip lang althea ! impossible yun ..
Alam niyo bang "Bird brain " ang tukso sakin ng mga classmates ko .. wag na kayong magtaka kung bakit !
saka hindi ko na sila pinapatulan kasi once na pinatulan mo sila ikaw lang ang talo ..
May dalawa akong bff si Akira at si Luz, bff kami since 1st year
sympre ako ang pinakatahimik at pinakamisteryosa sakanila
Si Luz ..
ang pinakamaingay kasi ba naman maaga pa siya sa paglitaw ng araw kung makasagap ng balita at masasabi kong isa siya sa pinaka "malandi" sa batch namin paano ba naman nakakailang boyfriend na siya at wala siyang sineryoso dun at wala siyang sinasanto sa mga gwapong lalaki sa paligid .. grabe lang ang description ko saknya O.A na pero totoo naman yun ! pero kahit ganyan siya napakabait naman niya (^.^) wala akong maSAY ! Classmate ko siya ..
Si Akira ..
Half japanese (father side) yan obvious naman sa name niya , mabait , masipag at matalino ! Nasa Cream section siya , Section 1 at class secretary pa siya ..
grabe nu? magkakaiba kami pero we're all loyal sa isa't isa , kaya nga bff diba !
---------------
Hi guys :)
Ang story na ito, well apparently may pagkarealistic pero slight lang ..
Wala lang trip ko lang magpost ng story !
Part 1 muna ako ..
bago ko simulan ang next part i need some likers & commentors (an sabeehh ! XD)
Wait ko yan ah ..
bago ko ipost ang ibang part
Salamat much !
~.~
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Novela JuvenilKahit masakit na, hindi ako bibitaw Kahit mahirap, magtitiis ako Kahit anong mangyari, hindi ako susuko Mahal kita, lahat kakayanin ko Wag ka lang mawawala sakin. Copyright © All Rights Reserved