Kim’s POV
Haaayyyy .. pabalik na ako sa booth namin. Alam niyo nagugulat talaga ako sa mga nangyayari
hindi pa rin ako makarecover sa mga ginawa ni Paul
Una sa pagbuhat tapos pangalawa sa pagoopen-up niya sa akin. Kaya pala siya parating mag isa dahil ayaw niya ng kaibigan and unaccepted yung reason niya dahil “kaartehan ang magkaroon ng kaibigan”
Duh!
**LAKAD** LAKAD
Nakarating na ako sa booth naming at balik ulit ako sa pag-aayos. May ilan na nakatingin pa rin sakin pagbalik ko pero bahala na sila!
“BFFFFF!!!!!!!!!! Saan kayo nanggaling?? Balita ko binuhat ka raw ng prince charming ko!!! Bakit ikaw pa?! kakainis naman! Sayo na nga si jasper eh tapos inagaw mo pa si paul ko! Amf! Hehehehe .. hindi biro lang bff anung nangyari sayo? Sino nangaway sayo? Malilintikan sakin yung mga yun ! sasabunutan ko sila at kakalbuhin ko yung mga yun ano pangalan nila?”
“nako bff hayaan mo na sila , wag na, malaking gulo lang yan”
“hays. Bahala ka nga! Teka! Saan ba kayo nagpunta?”
“sa garden niya ako dinala para raw maging peaceful ang mind ko”
“talaga? Swerte mo naman! Wala bang nangyari? Alam mo na?”
“huh?”
“yung (nagaction pa siya sa kamay ng kiss)”
“nyeks! Haha! Baliw ka talaga! Malamang hindi! Hindi ako ganun, walang nangyari, usap lang tapos umalis na ako”
“Weak ka bff! Dyn ka na nga!”
Grabe talaga magisip yun, as if naman hahalikan ako ng isang gwapong katulad niya
Hehehe
Ayoko na siya ang maging 1st kiss ko , gusto ko asawa ko ang makakuha nun.
Si kyla, ang leader naming sa pagdedecorate ay inassign ako sa paglalagay ng banderitas sa taas ng bintana sa labas ng room namin.
Masyadong mataas ang paglalagyan ng banderitas kaya gumamit ako ng mataas na hagdan.
AYOS***AYOS*** AYOS*** AYOS***
Malapit na ako matapos, ikakabit ko na lang ang pinakahuling banderitas dahil sa hindi ko ito maabot kaya umakyat pa ako sa pinakataas ng hagdan para lang maabot ko yun at nung makaapak na ako sa pinakataas na apakan hindi ko namalayan na lumusot na pala ang kanang paa ko sa hagdan kaya nagging dahilan ito ng pagkahulog ko
“AAAAAAAAAAAAAYYYYYY” sigaw ko ng malakas
Nagkagulo naman ang mga tao sa paligid dahil sa pagkahulog ko
Malapit na akong bumagsak sa sahig
Malapit na ..
Nararamdaman ko na yung sahig ..
Sana hindi ako mapilayan!
Malapit na ako sa sahig
Pumikit na ako at tuluyan ng bumagsak
“ARRRRRAAA--”
Teka ! bakit ang lambot ng sahig?
KAPA***KAPA***
Bakit parang may buhok?
Parang katawan ng tao tong dinaganan ko
Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko
Maraming nakatingin sakin ... pati sa taong sumalo sakin?
LINGON***LINGON***
Si … si … si Paul?
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Novela JuvenilKahit masakit na, hindi ako bibitaw Kahit mahirap, magtitiis ako Kahit anong mangyari, hindi ako susuko Mahal kita, lahat kakayanin ko Wag ka lang mawawala sakin. Copyright © All Rights Reserved