VII - First love never dies

167 8 2
                                    

Dedicated to: JingerbreadXD

> 1st na nagcomment sa last chapter :)

XOXO

----------------------------------------------------------------------------------------------

Nakatulala akong lumabas ng cr …

Masakit sakin yung mga narinig ko kanina sobrang nagseselos ako, pero sino ba naman ako para magselos? Isang dakilang stalker lang naman ako …

Sobrang sakit dito oh (turo sa puso), unti-unti siyang dinudurog ..

Siya kasi ang first love ko kaya mahirap siyang kalimutan …

Naglalakad lang ako … lakad ako ng lakad .. hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin ng paa kong ito ..

***LAKAD***LAKAD***LAKAD

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng paa ko sa isang bench sa garden ..

Hinayaan ko na lang ang katawan ko na umupo rito .

Tumingin ako sa malayo at unti-unting pumatak ang luha ko ito lang kasi ang magagawa ko ang UMIYAK.

Hindi ko naman pwedeng lapitan yung babae at sabunutan kasi wala naman akong karapatan. CRUSH ko lang naman siya eh hindi bf.

“batang umiiyak?”

Nagulat ako sa nagsalita.

Tinignan ko kung sino yun , pero hindi ko masyadong nakita yung mukha dahil sa teary eyes ko

“gusto mo ng chocolate?”

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at unti-unti kong tinignan yung lalaking nasa harapan ko .

Si Paul

Kinuha ko yung chocolate na inalik niya sakin

“salamat ah”

“alam mo pag may problema ako dito lang ako pumupunta sa garden at kumakain ng chocolate kasi kahit papaano nawawala yung bigat na dinadala ko”

Hinatian ko siya ng chocolate kasi nakakahiya naman kung ako lang ang uubos

“anu bang nangyari? Kung personal yan , ok lang kahit hindi mo na sabihin .. naiintindihan ko”

“anu kasi .. may iba na pala siya”

“may iba na yung bf mo?”

“h-hindi .. anu kasi .. yung crush ko , first love ko rin kasi siya eh .. kagaya sa mga drama , love stories .. nalaman ko kanina na may gf na pala siya .. na wala na akong pag-asa .. na mawawala na siya sakin … masakit dito oh (turo sa ♥)”

“ah kaya naman pala umiiyak ka … buti naman at crush mo lang siya panu pa kaya kung bf mo na siya , baka nagsuicuide kana ng di oras .. hmm .. naku hayaan mo na siya , marami pa naming ibang lalaki dyan eh sa paligid mo ! malay mo nasa paligid mo lang pala siya kaso hindi mo lang siya napapansin dahil sarado ang puso mo ”

“pero mahirap kasi siyang kalimutan kahit crush ko lang siya talagang napamahal na siya sakin eh”

“hmm … mahirap nga yan .. pero … alam ko na ! kilala mo ba si ben 10? ”

“huh? Oo ! yun yung cartoon character diba?”

“ayos ah ! kilala mo pala yun .. eh si Ben Eleven, kilala mo?”

“huh? May ganun ba?”

“hindi mo alam yun? Ay sus ! ang dami nun sa Pilipinas, worldwide pa! nagkalat sa tabi tabi yun”

“anu ba yun?”

“ay naku! Yung convenient store .. SiBen Eleven (7/11)”

Grabe ah !

Mabenta yung joke na yun sakin ! WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA~

Ganyan katindi ang tawa ko .. grabe lang ! winner siya! Tawa kami ng tawa dahil sa iba pa niyang jokes , ang dami niya palang alam na jokes …

Muntik na nga akong maubusan ng hininga sa kakatawa eh (^.^)

“oh anu? Napangiti na ba kita?”

“hays ! hindi lang ngiti kundi halaklak , napasobrahan ata haha mabenta! Maraming salamat sa tulong ah :)  ”

Hindi mo inaasahan na sa kabila ng pagiging misteryoso niya ay may ganun pala siyang talent na magpasaya ng ibang tao

Dahil sakanya nabuhayan ulit ako ng loob at nabawasan ang bigat na dinadala ko

Tama siya ! crush lang naman yun, mawawala rin yun at marami pang iba dyan na mas higit pa sakanya

“so panu paul .. mauna na ako”

At umalis na nga ako sa garden at babalik na ako sa booth naming baka hinahanap na rin ako ng mga bff ko

Habang naglalakad ako napapangiti pa rin ako mag-isa (muntanga lang) , dahil naaalala ko yung mga jokes ni Paul ..

“hehe” bulong ko sa sarili ko

***LAKAD***LAKAD***LAKAD***LAKAD

Sa hindi ko inaasahan , nakasalubong ko na naman si Jasper kaso ngayun mag-isa na lang siya..

Kagaya ng nangyari kanina hindi na naman niya ako pinansin ..

Pangalawang beses na ito kaya totoong hindi na nga niya ako kilala .. parang never pa niya akong nakausap

Sumakit na naman tong dibdib ko at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad

-----------------------------------------------------------

kumukonti na naman po ang readers kaya nagupdate na po ulit ako :)

sana po magustuhan niyo ang update ko

maikli lang yan ! kasi busy busyhan ako ngayun (^,^)

VOTE LANG PO KAYO & COMMENT ♥

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon