12 - My Grouch

152 5 0
                                    

~Thea’s POV ~

“Teka Jasper! Ikaw naman linoloko mo naman ako eh adik ka talaga! Tara na nga uwi na tayo!”

Pag talikod ko …

“seryoso ako thea” at yinakap niya ako

“anu ba jasper lumayo ka nga … ”

Pilit ko siyang tinataboy pero ayaw niyang bumitaw

“manyakis!!! Anu ba jasper! Bibilang ako ng 3”

Pero ayaw pa rin niyang bumitaw

“1…..”

Hindi pa rin siya bumibitaw kaya nagpatuloy ako sa pagbibilang

“2….”

Ayaw pa rin niyang bumitaw

“2 at kalahati”

Kumalas na siya sa pagkakayakap at hinawakan na lang ako sa magkabila kong braso

“Thea mahal na mahal kita”

“…”

“thea sabi ko mahal kita”

Nagpumilit akong bumitaw .. at binitawan naman niya ako

“bakit mo ginagawa to jasper?”

“dahil nga mahal kita”

“pero bakit ako? ”

“dahil natagpuan ko ang kaligayahan ko sayo .. sana mahalin mo rin ako”

Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya .. nalilito ako .. totoo ba ang lahat ng ito ?

Tumakbo ako palayo..

Palayo na hindi ko na siya makikita ..

Takbo

Takbo

Takbo

Hanggang sa …

Madapa ako... isang malaking sugat sa binti ang nakuha ko

“aaahhh!!!”

-

“Thea ok ka lang ba”

Hanggang dito ba naman sinundan pa rin niya ako! Nakakainis na ! nakita nang nasugatan ako eh!

“Jasper tama na please! Ayaw ko na makinig pa!!!”

“Thea … si paul to”

Si paul? Bakit siya andito?

“Thea anu bang nangyari? (tinulungan niya na akong itayo)”

“arrraaayyyy!!!!”

“naku ang laki ng sugat mo thea! dito ka lang ah hintayin mo ko may bibilin lang ako sa botika”

-

-

“bwiset na jasper na yan! Kakainis! Dahil sakanya nadapa ako at nagkaroon pa ng malaking sugat!!!”

Nagulat na lang ako dahil may nagpahid na ng kung ano sa paa ko .. si Paul pala yun!

“Ahhhhh .. ayoko niyan masakit yan eh!!! Ahhhh!!”

“hindi thea tiisin mo na lang kaysa lumala pa yan .. hindi naman  masyadong masakit to”

-

-

“oh anu masakit pa ba?”

“hindi na! salamat Paul ah!”

“oh! Ito maiinom!”

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon