Chapter 11

71 19 1
                                    

Yollane’s POV

“ Thank you.” I smiled at Haniel na naghatid sa akin sa kwarto ko. Kagagaling ko lang sa hospital and itong si Haniel ayaw akong pagbuhatin man lang ng kung ano. Feel ko tuloy parang mamamatay na talaga ako lol.

“ Take a rest muna okay? Gigisingin nalang kita pag dinner na, now go and rest.” Sabi niya at tinulak pa ako ng mahina papunta sa kwarto ko. I sighed ng isara na niya ng tuluyan ang pinto. 5 days din ako doon sa hospital, and si Haniel lang ang nakaka-alam. And thankful ako na may ipon ako kaya nabayaran namin ang gastusin ko.

Huminga ako ng malalim saka humiga sa kama ko. 5PM na, pero siguro tama si Haniel na matulog muna ako. But before ako pumikit ay sinilip ko muna ang nag message sa phone ko, it’s Devine.

From: Devinescious
Guys, payag na parents ko, so 11/09, on our beach ye?
5:19 PM

Ini off ko na ang phone ko saka itinabi yun. I think di ako makakasama. Ipapaliwanang ko nalang sa kanila. I stared at my ceiling, puno ito ng mga stars, in short parang galaxy, pag ini-off ko ang light ay mag g-glow ito. Nakatitig lang ako dito hanggang sa unti-unti akong nilamon ng antok.

“ Yollane, wake up. Kain na tayo.” Kaagad akong nagising sa boses ni Haniel. I looked at him at saka tiningnan ang cellphone ko para alamin kung anong oras na, 7: 26PM na.

“ Tara.” Lalabas na sana kami sa kwarto kong makaramdam na naman ako ng kirot. Kaagad akong napahawak sa lamesa malapit sa pintuan. Sweet Jesus!

Nang bumaling sa akin si Haniel ay kaagad akong umayos ng tayo, ayokong mag-alala na naman siya. Baka umiyak na naman hihi.

Nang makarating kami sa dining area ay kaagad hinanap ng mga mata ko ang isang tao. “ Wala siya, di na siya umuuwi.” I sighed. “ Mabuti naman.” Mahina kong sagot saka umupo. Nakahanda na ang mga pagkain kaya nagsimula na akong kumain.

“ Okay na ang pakiramdam mo?” Tumango ako, sana nga.

Nang matapos kaming kumain ay si Haniel ang nagpresentang mag hugas ng pinggan. Hinayaan ko lang siya at nauna ng umakyat papunta sa kwarto ko. I can feel it, nanghihina na ako. Napapikit ako ng mahirapan na naman ako sa pag hinga. Oh sweet Jesus, lalaban pa ba ako?

Haniel’s POV

“ What are we doing here? Baka di tayo papasukin ni manong guard.” Nag-alalang tanong ni Yollane. Natawa ako at hinawakan ang kamay niya.

“ Don’t worry kinausap ko na si manong Dani, pwede tayong pumasok.” I said saka hinila siya papasok. Narito kami sa skwelahan namin dati noong elementary pa kami. Kaagad akong nilamon ng lungkot ng maalala ko ang dahilan kong bakit kami narito.Pero iwinakli ko iyon sa isipan ko, narito kami para maging masaya. This school is full of memories.

Nang makapasok kami ay kitang-kita ko ang tuwa sa muka ni Yollane. “ Waaah! Namiss ko dito, wala pa ring pinagbago itong school natin dati Haniel.” Nilingon niya ako kaya binigyan ko siya ng ngiti. “ Ang ganda pa rin! Lika dali, doon tayo sa playground.” Natawa ako ng para siyang batang nagtatakbo patungo sa playground.

“ Wag kang tumakbo Yollane please.” I shouted pero di siya nakinig kaya sinundan ko nalang siya. Naabutan ko naman siya na nakaupo sa seesaw. Malaki ang ngiti niya sa akin. I rolled my eyes, I know kung bakit ganiyan siya makangiti sa akin.

The One that Got Away | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon