Chapter 20

95 22 0
                                    

Haniel’s POV

“ T-tita?” Kinakabahan na ako, di pa rin siya nagsasalita at mukang gulat na gulat pa.

“ S-sorry if nagulat po kayo sa tanong ko tita, l-let’s go?” Sabi ko at inaya siya papasok sa loob. Ngunit pinigilan niya ako dahilan upang mapalingon ako sa kaniya, nagulat naman ako ng yakapin niya ako bigla.

“ Tita?” Gulat kong tanong.

“ Ofcourse Haniel, matagal ko ng hinihintay to, ever since alam ko ng mangyayari to, and I know, you’re the perfect man for my princess.” She said, di ko alam kong saan ko pa ilalagay ang kaligayan ko. Damn! I am smiling like crazy! I am so damn happy!

“ Oh sweet Jesus! Thank you Tita! Thank you so—”

Bigla siyang kumalas sa yakap at tiningnan ako sa mga mata. “ But Haniel, you know her situation right?” Mukang alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig.

Umiling ako. “ No tita, kahit anong mangyari, ganun pa rin ang gagawin ko, at kung m-mawala man siya, I don’t think makakakita pa ako ng kagaya niya, nag-iisa lang siya eh.” Ngumiti ako ng mapait.

“ Haniel.”

“ It’s okay tita, matagal ko na tong hinihintay, torpe kasi ako kaya nahuli.” I sighed.

“ Tara na sa loob tita?” I tried to smile to hide my pain.

She sighed and nodded.

The whole day ay naging busy kami sa paghahanda ng birthday ni Yollane, yung mga plans para sa program, kung paano siya dadalhin dito, at kung sino ang mga naka-assign sa mga task.

Sila tita ay mas nag focus sa pag-aayos sa loob. Habang ako, naging abala dito sa garden, I need to prepare this too. Para sa gagawin ko bukas.

“ Haniel, kumain ka muna, it’s already 7, kanina ka pa diyan.” Rinig kong sabi ni Tita. Lumingon naman ako sa kaniya at binigyan siya ng ngiti.

“ Susunod po ako Tita, tatapusin ko lang to.” Nakangiti pa ring sabi ko.

Narinig ko namang nag buntong hininga siya. “ O sige, basta sumunod ka kaagad okay?” Tumango lang ako sa kaniya bago siya naglakad papasok sa loob.

Ipinalibot ko ang tingin ko sa kabuohan ng garden, kinuha ko ang saksakan saka isanaksak iyon sa extension wire. Napangiti ako sa kinalabasan ng ginawa ko. Enchanted.

Bago pa may makakita ay ini-unplug ko na ito. Nakangiti ako habang papasok sa loob. I’m sure, Yollane will like it.

Yollane’s POV

“ HAHAHAHAHHAH bro bagay sayo ang unggoy.” Napailing ako sa lakas ng tawa ni Veynz, ganito pala siya pag kasama si kuya.

Narito kasi kami sa room ko, pag gising ko hinanap ko si Haniel pero missing in action na yung gago. At itong dalawang to ang nakita ko na, nagmumurahan.

At ngayon, naglalaro kami ng cards. At ang matalo lalagyan ng kung anong drawing ang muka. Kakatapos lang naming kumain at ito kaagad ang nilaro namin. At itong si kuya, ang unang natalo. Kaya itong si Veynz, napagtripang gawing unggoy si kuya.

The One that Got Away | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon