Chapter 12

64 22 1
                                    

Yollane’s POV

“ Ay gabi na pala, sayang di ko nakita yung sunset.” I frowned, narito kasi kami sa sa beach na pag-aari ng pamilya nila ni Haniel. Sadly medyo malayo to kaya ginabi kami ng dating. Naramdaman ko namang inakbayan ako ni Haniel.

“ It’s okay, gusto mo sunrise nalang ang papanuorin natin bukas.” Taas babang kilay niyang sabi, gumaan ang pakiramdam ko.

“ Sure, pero manonood parin tayo ng sunset bukas.” Nakangiting sabi ko habang patungo kami sa cabin namin. Isa lang na cabin ang inukopa namin dahil may dalawang kama naman sa loob ng cabin na iyon. Kasya rin ang apat na tao sa isang cabin kaya okay lang talaga na mag share kami. Sa labas ng cabin ay may mga design design pa at meron ding duyan. May puno ng niyog rin sa right side ng cabin at kaunting mga bulaklak.

Nang makapasok na kami sa cabin ay kaagad nagtungo si Haniel sa CR para maligo. Ako naman ay ipinalibot ang tingin sa kabuuhan ng cabin. Okay naman, modern at saka ang cute ng style kahit wooden ito.

Umupo ako sa isang mini sofa para hintayin si Haniel na matapos. Habang naghihintay kay Haniel ay tinext ko si Devine na di ako makakasama sa outing ng barkada. Nang masend ko na ito ay para naman akong kinakapos ng hininga. Sweet Jesus! Not now oh God. Napahawak ako sa sofa dahil sa sakit pa rin ng nararamdaman ko.

I need to calm, baka makita ako ni Haniel. Pilit kong kinalma ang sarili ko, sakto naman ang paglabas ni Haniel ay medyo kalma na ako. Dali dali kong kinuha ang tuwalya ko at nagtungo sa CR.

Nang matapos akong maligo ay naabutan ko si Haniel na naghahanda ng dinner. Nginitian niya naman ako. Puro seafoods ang pagkain, durr malamang nasa beach kaya seafoods talaga ang kakainin namin.

“ Kain ka na, pareho tayong pagod sa byahe kaya nag order nalang ako ng pagkain para di na tayo mahirapang maghanap ng makakainan.” He said, umupo naman ako sa katapat ng upuang inuupuan niya.

Nang matapos kaming kumain ay napagdesisyunan naming manood muna ng movie, pampaantok daw. Buti nalang dala ko yung usb at laptop ko.

Habang pumipili ako ng panunoorin ay biglang nahagip ng mata ko ang Five Feet Apart, hmm, matry nga to. Di ko pa to napapanood dahil sad movie daw, well, walang masama kung itry namin tong panuorin.

“ May napili ka na?” Biglang tanong ni Haniel na galing pa sa labas dahil may tumawag. Sinagot ko lang siya ng tango. Tumabi naman siya sa akin, narito kami sa kama niya, nakadapa.

“ Anong napili mo?” He asked.

“ Five Feet Apart.” I answered habang tutok pa rin sa screen ng laptop ko.

“ Ayan magsisimula na, dalii!” Excited kong sabi. Nilingon ko si Haniel pero seryoso lang ang muka niya. O- kay?

Habang nanonood kami ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Kinilig, nanghinayang, natuwa, namghinayang ulit, nagalit, nainis, at syempre naiyak at nasaktan!

“ Shit! Bakit siya namatay?! Naman eh!” Umiiyak kong sabi. Naman eh! Bakit namatay si Poe?! Bakit?! Nilingon ko si Haniel pero seryoso lang siya, pero puno ng emosyon ang muka niya.

“ Haniel wuy!” Tawag pansin ko sa kaniya pero di siya nakinig. Ang lalim ng iniisip niya, di na mareach.

Nagbuntong hininga ako saka isinara ang laptop, ni hindi man lang siya nag react ng isara ko ito. Tulala nga siya.

The One that Got Away | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon