Chapter 18

79 22 1
                                    

Yollane’s POV

“ Ang putla ko na.” Bulong ko sa sarili ko.

Narito ako ngayon sa cr ng room ko sa hospital, tinitingnan ang sarili.

Oh God, sobrang putla ko na, pati katawan ko ay halatang malaki ang pinagbago. Hayst, malala na talaga ang sakit ko.

My end is near, that’s the truth, and I don’t know if I’m ready. Actually, gusto ko ng sabihin kina Mom and Dad na wala ng pag asa. Heart donor? It won’t work anymore, hindi man halata pero sobrang hina na ng katawan ko. I might die in the middle of the operation so what’s the use?

The doctor lied to Haniel para di na ito masyadong mag-alala, I asked her, the doctor to do that. But I know, darating ang panahon na sasabihin ko na sa kanila. And that time is near. Everyday I’m getting weaker and weaker.

Hayst, bakit ba ako nagkasakit ng ganito? I mean, I’m so unlucky to have this. Im too young, di ko pa nga naaabot ang pangarap kong maging Engineer. But, this is God’s plan, and di ko na to mapipigilan pa.

Kaagad akong napatingin sa pinto ng magbukas ito. It’s Haniel, ngumiti siya sa akin kaya sinuklian ko rin ito ng ngiti. He’s the best bestfriend in the whole wide world, I can’t imagine my life without him.

I mean look, ever since nandiyan na siya palagi para sa akin. Di niya ako iniiwan, and he loves me. How lucky am I right? But he’s unlucky to have me, I-I can’t love him back because of this disease. You know Haniel, he’s not hard to love.

He’s lovable yes, maswerte ang babaeng makakatuluyan niya.

“ Your friends are here.” Kaagad akong napalingon sa pintuan, there, nakasilip si Haniel.

Today, bonding namin ngayon ng friends ko, syempre I want to spend some time with them before I go. I’m pretty sure aawayin nila ako dahil di sinabi sa kanila ang tungkol sa sakit ko.

Well, it’s fine, I know marami din silang problems kaya di ko na rin lang dinagdagan pa.

Tumango lang ako kay Haniel saka sumunod sa kaniya papalabas ng cr. And there I saw my friends. Devine, Winohna and Katnisse. Nakatalikod sila sa akin pero halata ang lungkot sa kanilang tindig. Ugh come on, di dapat sila maging malungkot, mas nakakalala yan sa kalagayan ko eh.

“ Girls.”

Kaagad naman silang nagsilingunan. And, kaagad silang tumakbo papalapit sa akin, si Haniel naman ay nakaalalay sa likod ko. Wala ang family ko dahil may inasikaso daw sila, Veynz is nowhere to be found kaya si Haniel nalang ang naiwang magbantay sa akin.

Napangiwi naman ako sa impact ng pagkakayakap nilang tatlo sa akin. Oh God, itong talagang mga babaeng to.

Nagulat naman ako ng maramdaman kong nabasa na ang balikat ko.

I tapped their backs. “ H-hey, stop crying, di pa ako patay ” I joked, kumalas naman sila ng yakap sa akin saka dali dali-dali nilang pinahid ang mga luha sa pisngi nila.

I smiled at iginiya sila pa upo.

“ S-so, kumusta.” I tried to sound okay.

“ H-hey kami dapat ang mag tanong niyan! K-kumusta kana?” Winohna asked.

“ B-bakit di mo sinabi sa amin ha?!” Devine.

The One that Got Away | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon