Chapter 14

60 22 1
                                    

Yollane’s POV

“ Are you okay na?” Haniel asked me. Pauwi na kami ngayon, at hinihintay nalang namin ang susundo sa amin. Haniel can’t drive dahil wala pa siyang lisensiya and mahaba ang byahe baka di niya kayanin. Kaya naman magpapahatid nalang kami kay manong Capu.

I smiled. “ Naman, sapat na ang tulog ko no, huwag kang praning okay?” I said at tumabi naman siya sa akin ng upo. He put his arms around my shoulder as he gently brushed my hair.

He smiled pero puno pa rin ng pag-alala ang muka niya. “ Natatakot lang ako Yollane sa possibling mangyari, sana di nalang kita dinala rito, I’m so stupid, I’m sorry.”

I frowned. “ Bakit? Ayaw mo ba akong maging masaya?” I raised my brow.

“ N-no, that’s not what I meant, syempre gusto kitang maging masaya, pero Yollane, alam naman natin kung ano ang kalgayan at sitwasyon mo.”

Right, I’m sick! I sighed at nginitian siya ng malungkot. “ Okay, I understand.” I said at inihilig ang ulo ko sa balikat niya.

Namutawi muli ang katahimikan sa aming dalawa. Walang may balak magsalita. I closed my eyes at dinama ang hampas ng hangin sa aking muka. Nasa resort pa rin naman kami kaya malakas ang hangin. At talagang nakaka relax ang pag dampi nito sa aking balat.

“ I’m sleepy—” he chuckled when I yawned.

“ Doon ka nalang matulog sa sasakyan, o nandito na pala si manong Capu.” Kaagad ko namang iminulat ang mata ko at tumayo para ayusin ang mga gamit ko. Pero pinigilan kaagad ako ni Haniel.

“ Ako na.” He said at kinuha ang gamit ko saka inilagay sa compartment ng kotse.

I sighed, ang hina ko na ba talaga?

“ Tara na?” Tumango lang ako sa kaniya at nauna ng pumasok sa loob ng kotse. Naabutan ko naman sa loob ng kotse si manong Capu, nginitian ko laman siya bago ako umayos ng upo. Maya maya lang ay pumasok na rin si Haniel, ipinikit ko ang mga mata ko para di niya ako kausapin.

Palagi niyang pinaparamdam sa akin na sobrang hina ko na. Like duh kaya ko pa naman, maybe kung titingnan sobrang hina ko na dahil unti-unti na akong namumutla, pero kaya ko pa naman.

Hanggat nasasabi kong kaya ko pa, eh kaya ko pa! I’m not that weak katulad ng iniisip ni Haniel. Nakaya ko nga tong dalhin ng dalawang taon, ngayon pa kaya?

Nang magsimula ng umandar ang kotse ay inihilig ko ang ulo ko sa bintana. Nakasanayan ko na to tuwing sasakay ako ng kotse or bus.

Naramdaman kong kinilabit ako ni Haniel “ Yollane, are you okay?” Bakit ba palagi niya yang tinatanong?!

I sighed. “ Shut up, Im okay Haniel, I’m not going to die pa.” I’m irritated! I know I’m rude na pero parang negative kasi ang dating nun sa akin. Parang pinapahiwatig niya na sooner or later mawawala na ako.

“ S-sorry, I didn’t mean to—"

“ Let me sleep Haniel.” I murmured.

I heard him sighed. Nanatili laman akong nakapikit pero gising na gising pa ang diwa ko. I can’t sleep!

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe at gising pa rin ako, si Haniel tulog na. It’s already 3PM at kanina pa kaming 1PM nag simulang bumyahe, I’m sure mga bandang 4PM na kami dadating.

The One that Got Away | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon