Ok guys, aamin ako nawawalan na ako ng gana mag sulat hahahaha, kase ako lang nagbabasa lol ewan basta yon!
Here's Chapter 12 I hope you enjoy!
Give me some feedback please! Thank you.Pizyow! ✌🏻 🤟
____________________________________
Minulat ko ang mata ko at tumingin sa bintana madilim pa, tinignan ko kung anong oras na 4:00am tsk, 4 hours lang ang tulog ko. Tumayo na ako tsaka kinuha ang toothbrush ko sa bag at pumasok sa banyo, may narinig akong yabag kaya sumilip ako at nakita ko si Chiaki na papunta sa kwarto namin.
"Kanina ka pa gising?" mahinang tanong niya tsaka humikab, nagmumumog naman agad ako at sumagot.
"Kani-kanina lang," sagot ko tsaka pinunasan ang bibig ko.
"Hmmm, so sleepy," antok na saad niya tsaka lumapit saakin at yumakap na ikinagulat ko.
"Hey, let go," mahinang saad ko sakanya at tinignan ang mga kasama ko sa kwarto.
"Give me a minute," sagot niya tsaka hinigpitan lalo ang pagkakayakap.
Pinabayaan ko nalang siya, dahil sa posisyon namin ramdam ko ang tibok ng puso niya, ang hininga niya na tumatama sa leeg ko at ang init ng katawan niya na nakadikit sa katawan ko, natauhan naman ako sa naisip ko at bigla naman siyang humarap saakin.
"You're heart is pounding," nakangiting saad niya tsaka inalis ang pagkaka yakap saakin tsaka lumapit kina Timothy at Isaac.
Tinapik niya ang mga ito at nagising naman sila, sunod na lumapit siya kay Wilson ay ginising ito, nag lakad naman siya papunta sa gawi ko at nagsalita.
"Ikaw nalang gumising kay Ziah," saad niya at tumango naman ako tsaka siya pumunta sa kabilang kwarto.
...... •
Natapos na kaming maligo lahat at papalabas na ng hotel, nang sumigaw si Timothy na ikinagulat ko.
"Yes!! Tagaytay here we go!!" sigaw ni Timothy.
"Wait what!?" tanong ko sakanila.
"Aga mo kasi natulog kagabi eh!" sagot naman ni Ziah.
"Pag kinanta mo panindigan mo!" pamumusit ni Timothy saakin.
"Pag gusto mo ligawan mo! Wag mo idaan sa pa 'baby' 'baby' mo ulol!" sagot ko naman sakanya tsaka niya tinaas ang gitnang daliri niya na ikinatawa ko.
Sumakay na kami ng sasakyan at dumaan muna sa isang fast food chain para kumain ng almusal, pagkatapos ay bumyahe ulit kami papuntang tagaytay.
Nang makarating kami ng Tagaytay agad kaming pumunta sa Sky Ranch, bumaba na kami ng sasakyan at sabay sabay na sumigaw ng...
"SKY RANCH!!!" sigaw namin nina Ziah, Timothy, Isaac at Adler.
"They looked excited," nakangiting saad ni Patrick.
"Hey babe, naalala mo ba nung nag date tayo dito?" tanong ni Patrick saakin tsaka umakbay.
"Of course!" masiglang sagot ko tsaka naman tumitig saakin ang mga kasamahan namin.
"What?" tanong ko.
"Hmmm, I think someone's falling inlove 'again' huh?" panunukso ni Adler.
"Right Chiaki?" tanong ni Alder kay Chiaki at naiilang na ngumiti naman ito.
"Dami mong alam," saad ko kay Adler tsaka siya sinipa at umilag naman siya.
BINABASA MO ANG
Comeback
RomanceI was very lonely at that night, until he come back again. Would you still accept the person who cheated on you? (On-going)