Chapter 18: Who's This New Guy?

9 0 0
                                    

Yoshhhhh! Konnichiwassup!
Here's chapter 18! Tanoshī.

Pizyow! ✌🏻 🤟

____________________________________

"Ms. Zacharia are you listening!?" sigaw ng prof ko sa harap na nakakuha ng atensyon ko.

"Yes sir," diretsong sagot ko kahit hindi naman, tsss.

"Then, what is Quercetin?" taas kilay na tanong ni Mr. Enrique saakin tsaka ako tumayo.

" It is a yellow crystalline pigment present in plants ," tipid na sagot ko.

"And?"

"Quercetin or C15 H10 O7 occurring usually in the form of glycosides in various plants, and it's also used as a food supplement to reduce allergic responses or boost immunity, the first known use is in 18..." pabitin na sagot ko, putcha anong year kasi yon?

"18?" nakangising tanong ng prof ko.

"1856?" hindi siguradong sagot ko.

"You sure?" tanong ulit ni Mr. Enrique

"Yeah..." tango tangong sagot ko kahit hindi naman talaga.

"Sit down," saad niya tsaka ako umupo at nagsimula naman ulit siyang magturo.

Guess tama nga ang hula ko, much better. Lumilipad talaga ang utak ko simula ng first subject, hindi ako makapag focus sa klase dahil tinatamad akong makinig sa mga pinagsasabi ng prof ko.

..... •

=11:20am=

Nasa usual spot na kami ni Ziah sa cafeteria at kumakain, wala sina Adler dahil sa hindi ko malamang dahilan. Wala rin akong balak na alamin kaya hindi ko nalang pinansin.

"Zap," pagkukuha atensyon ni Ziah saakin.

"Oh?" sagot ko.

"Sila Timothy?" tanong niya tapos sumubo.

"Buong umaga tayong magkasama Ziah," sagot ko at napakamot naman siya sa ulo.

"Miss mo na ba baby boy mo?" nakangisi kong tanong.

"Nagtanong lang miss na agad?" tanong niya.

"Bakit hindi?" pabalik na tanong ko.

*ZIAH'S POV*

"Bakit hindi?" pabalik na tanong ni Zap.

"Kasi hindi oo," sagot ko naman tsaka sumubo ng vanilla ice cream.

"Paano nga ulit kayo nagkahalikan?" tanong niya na ikinapula ng pisnge ko, tinignan ko naman agad siya at mukhang seryoso naman siya, akala ko mamumusit nanaman.

"Aksidente nga," sagot ko.

"Paano Ziah, paano," pag-uulit niya.

*Flashback*

"Akin na! Ako na ang bibili!" agaw ko sa pera na hawak ni Alder.

Kanina pa silang nagbabangayan apat kung sino ang bibili ng isang boteng alak sa mini bar, nakakarindi na sa tenga.

"Hindi ako na," saad ni Timothy at akmang kukunin ang pera saakin kaya iniwas ko ito.

"Ako na nga sabi diba? Kanina pa kayo nagbabangayan diyan tapos nung kinuha ko na magprepresenta kapa? Ano ka gago?" inis na saad ko kay Timothy tsaka pumasok sa loob.

ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon