Chapter 17: The Next Day

10 1 6
                                    

Yoshhhhh! enjoy chapter 17! I think I'm focusing on my stories rn Hahaha! Enjoy again! Have a nice day.

Pizyow! ✌🏻 🤟

____________________________________

Nagising ako sa umaalog sa katawan ko at sa sigaw ni Ziah, tsk! Hindi ba nila nakikitang may tulog pa!? Istorbo!

"Hoy! Gising na! Alas syete-trenta na madam! Enjoy enjoy den!" sigaw si Ziah sa mukha ko.

*ZIAH'S POV*

Sa totoo lang natatakot akong gisingin ngayon tong isang to lalo na't anong oras din to natulog kagabi at nag text pa saakin, siguradong kulang to sa tulog.

"Hoyy-y-y--" putol na sigaw ko dahil biglang umupo si Zaphyr at masama ang tingin saakin kaya umatras ako papunta sa likod ng mga kasama ko.

"Just freakin 30 minutes more! Ang sino mang gumising saakin, tsk, hindi ako magdadalawang isip na banatan!" inis na sigaw niya tsaka himiga ulit at natulog.

(つ﹏<)・゚。 ~~> me.

(; ̄д ̄)~~> the boys expect Chiaki.

( ̄_, ̄ ) ~~> Chiaki.

"Sabi sainyo eh," saad ko sa mga kasama ko at naghagis naman agad ng unan si Zaphyr sa gawi namin kaya tumakbo kami palabas at sinara ang pinto.

"Lokohin mo na lasing wag lang ang taong kulang sa tulog," iling iling na saad ni Isaac.

"Layo mo sa rhyme partner, hahaha," natatawang saad ni Adler.

"Sinong babalik after 30 minutes?" seryosong tanong ni Timothy at napaisip naman kami.

Ang hirap ng sitwasyon ngayon, tsk tsk, wala talagang makakapag gising sakanya ngayon lalo na't ganyan ang mood niya, pwera lang kay...

Unti unti naman kaming napatingin apat kay Chiaki...

"Tigilan niyo ko," sagot niya at naglakad papalayo.

"Hoy, sige na," habol ko sakanya.

"Bro, please maawa ka saamin," saad ni Adler.

"Kahit ngayon lang... Kahit ngayon lang..." naluluhang saad ni Timothy kay Chiaki habang nakayakap sakanya kaya napatawa ako at nilingon naman agad ako ni Timothy.

"How about a deal?" tanong ni Isaac.

"Pass na ako diyan, ako na unang gumising sakanya," dipensa ko.

"Sige," sagot ni Isaac kaya napangiti ako, nice.

"Anong deal?" tanong ni Adler kay Isaac.

"Rock, paper, scissor," nakangising saad ni Isaac.

"Hell no," saad ni Chiaki.

"Hell yeah!" sabay na saad ni Timothy at Adler.

"That's unfair! Y'all know I'm bad at that," dipensa ni Chiaki.

"But we all agree," tukoy niya sakanilang tatlo.

"Kung ayaw mo ikaw nalang gumising sakanya," saad naman ni Timothy.

"I can't..." sagot ni Chiaki.

"Come on dude, we're working on it aren't we? Kaya nga nandito ka," saad ni Adler.

"Ok fine," sagot ni Chiaki at bumuntong hininga.

ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon