Chapter 15: The Shooting

6 1 2
                                    

Heyyyyy guyssss!! Namomotivate talaga ako mag sulat ngayon lols dumami yung nagbabasa mga 5 ganon hahahaha.

Thank you po! I hope you enjoy my story.
So here's chapter 15!

Pizyow!✌🏻🤟

____________________________________

*SABADO*

Kasama ko ngayon ang mga kagrupo ko sa English, papunta kami ng Puerto Galera para mag shooting, medyo malayo pero eto ang napili namin dahil sa ganda at mapuputing buhangin.

Nakaupo ako sa dulo ng van katabi ang bintana, dose lang kami kaya kasya kami sa iisang van. Katabi ko naman tong kaklase kong lalaki na once in a blue moon lang magsalita sa room kaya tahimik ang pwesto namin.

"Gutom naba kayo!?" sigaw ng leader namin.

"OO!!" sigaw naman ng mga kasama ko

"Sige! Konting tiis nalang!" natatawang saad ng leader namin.

"Yawa ka!"

"Pababain niyo na nga yan!"

"Akala ko mamimigay ng ayuda!"

Kanya kanyang komento ng mga kaklase ko at natawa naman kami, well except sa katabi ko. Nagfocus nalang ako sa dinadaanan namin tsaka ipinasak sa mag kabilang tenga ko ang earphone.

Habang nagpapatugtog ako, bigla namang nag ring ang cellphone ko.

Ziah is calling...

Answer                          ||                             Decline

Sinagot ko naman agad ang tawag ni Ziah, naiinip siguro to.

"Uyyy Zap!" saad ng kabilang linya.

"Oh?" sagot ko.

"Saan kayo?" tanong niya.

"Papuntang Puerto Galera," sagot ko sakanya.

"Ha? Ang layo niyo naman," gulat na saad niya.

"Ayos lang enjoy naman," saad ko tsaka tinignan tong katabi ko na kumakalbit saakin.

"Gusto kong sumama," parang batang saad niya.

"Wait lang," saad ko sa kabilang linya.

"Oh," malumanay na saad niya tsaka binigay saakin yung biscuit.

"Talaga? Salamat," saad ko sakanya tsaka kinuha yung iniabot niyang biscuit at tumango naman siya.

"Asan na ulit tayo?" tanong ko sa kabilang linya.

"Sino yun ha?" panunuksong tanong niya.

"Wala, kung gusto mong pumunta, pumunta ka isama mo si Timothy para may kasama ka, sa Coco Beach kami didiretso, sige ingat bye," sunod sunod na saad ko tsaka pinatay ang tawag.

Binuksan ko naman agad ang biscuit na binigay saakin ni Marcus at kinain ito, pananghalian na pero hindi pa kami nakakarating, late na kasi kami nakaalis kanina, tsk.

ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon