Ok alam kong walang masyadong nagbabasa ano, pero sasabihin ko lang yung dahilan bakit ang tagal ko mag publish ulit...
Napa-anime at online games po kasi ako kaya ganon, sorry po! Yun lang hehehe.
Enjoy Chapter 16!
Pizyow! ✌🏻 🤟(´。• ᵕ •。') ♡
____________________________________
Nang matapos na kaming magshooting sa last shoot namin, ine-edit nalang ni Marcus yung tinake namin kanina.
Nandito lahat kami ngayon sa kwarto ng boys since ayaw ng mga girls magpapasok sa kwarto namin.
"Paano tayo mag mo-movie marathon niyan?" tanong ng kaklase ko.
"Kaya nga magkahiwalay tayo ng kwarto," sagot din nung isa.
"Edi dito muna tayo," sagot ni Belle.
"Eh?" takang sagot ng kaklase ko.
"Bakit? Mag katabi naman ang kwarto natin diba? Madali lang lumipat kapag inaantok na, tsaka kayo narin nagsabi na ayaw niyong papasukin tong mga gunggong na to sa kwarto narin kaya tayo ang mag-aadjust," paliwanang ng leader namin.
"Tsss, fine,"
"Opo maam, sorry na po,"
"Oo na,"
Kanya-kanyang komento ng mga kaklase ko, itinaas ko ang paa ko sa maliit na lamesang nasa harap ko tsaka naman nilagay ang magkabilang kamay sa likod ng ulo ko at tinignan ang mga kaklase ko, ang busy nila.
"Hoy! Nica! Yung snacks asan?" tanong ni Belle sa kakapasok lang na si Nica.
"Ow shit!" bulalas ni Nica.
"Sabi na nga ba," Saad ni Belle tsaka hinilot ang sentido niya.
"Sorry na Boss, hehehe nakalimutan ko talaga eh," saad naman ni Nica tsaka nag piece sign.
"Ilang beses kong pinaalala sayo," seryosong saad ni Belle.
"Oo na sorry na nga eh, bibili nalang ako ngayon," sagot naman ni Nica.
"Oras na," sabat ko tsaka naman nila ako tinignan.
"Oras na para ano?" takang tanong ni Nica.
"Oras na para hindi lumabas ang babae ng ganitong oras," sagot ko sakanya.
"Sus maryosep kang bata ka! hahahaha! Hoy Zap 8:30pm palang oh!" tawang saad ng kaklase ko.
"Kahit na babae siya, wala siyang laban kung sakaling may mangyaring masama," sagot ko sakanya.
"May mini bar pa sa hindi kalayuan kaya delikado kung lumabas pa siya," saad ko ulit.
"So, kung hindi siya ang bibili sino?" nakangising tanong ng leader namin tsaka ako tumayo at naglakad papalapit sa pwesto niya.
"Ohhhh... Napaka gentle'woman' mo naman po maam!" panunukso ni Belle.
"Ano ba bibilhin?" tanong ko ng makarating ako sa harap niya.
"Kahit ano basta junk food, bili kana rin ng drinks na kasya sa ating lahat," sagot niya.
"At eto ang pera, ikaw na bahala sa lahat kaya mo na yan malaki kana, good luck! Hahaha," tuloy-tuloy na saad niya tsaka ngumiti ng malawak.
BINABASA MO ANG
Comeback
RomanceI was very lonely at that night, until he come back again. Would you still accept the person who cheated on you? (On-going)