Chapter 8

9 2 3
                                    

Enjoy reading guys! Here's chapter 8!

I just want to thank those people who's still willing to read my story. Thank you very much! Very appreciated.

Pizyow! ✌🏻 🤟

____________________________________

*Ziah's POV*

Break time na pero hindi parin bumabalik si Zaphyr sa room nagtataka na talaga ako eh. Paano kung si Sir at Zaphy pala? Tapos tinatago lang nila? Kanina nung lumabas ni Zaphyr walang bakas na takot o kaba ang mukha niya. Baka sila nga? Shit ano batong pinag-iisip ko?

Puntahan kona kaya si Zaphyr sa faculty room ni Sir Enrique? Kaso baka magalit si sir saakin. I text ko nalang kaya siya?

Inilabas ko ang cellphone ko tsaka nag type.

To: Zaphyr my boy.

"Asan kana? Hindi kaba mag l-lunch? Sabihin mo sakin pag hinipuan ka ni sir ah? Reresbakan natin yan!"

'sent'

Nag-antay pa ako ng ilang minuto pero hindi parin siya nagrereply kaya naisapan kong lumabas para hanapin siya.

Naglakas loob akong pumunta sa faculty ni Sir Enrique pero pag bukas ko ng pinto wala sila. Chineck ko ang library, music room, com lab at science room pero wala din sila doon.

"Asan kana ba Zap?" tanong ko sa sarili ko.Nag-aalala na ako sakanya, tsk.

Pumunta agad ako nang Cafeteria para sana magpatulong kila Timothy pero wala rin sila. Tangina asan na ba tong mga to?

Lalabas na ulit sana ako para hanapin sila pero narinig ko ang bulungan ng dalawang babae sa gilid ko.

"Shet ang pogi talaga ni Sir kanina." girl one.

"Oo nga tapos fit pa sakanya yung shirt niya ang sherep." girl two.

"Napicturan mo ba?" girl one.

"Oo ako pa ba, kasama niya si Zaphyr magkatabi sila oh!" girl two habang pinapakita yung picture.

"Siya yung sa isang member sa Black summer diba?" girl one.

"Oo, ang cute nilang dalawa ni sir." kinikilig na sabi nung pangalawang babae.

Nak ng! Sabi na nga ba! Lintik ka Sir! Bata pa si Zaphyr! Nilapitan ko agad yung dalawang babae tsaka tinanong kung saan nila nakita si Sir at Zaphyr nasa field daw.

Tumakbo agad ako sa likod ng cafeteria at nakita kong maraming taong nanonood, nakipagsiksikan ako sakanila at nakita ko si Zaphyr na nakatayo at nag-aantay na maabot sakanya yung baton.

*Zaphyr's POV*

Pagod na pagod na ako kakatakbo, kanina pa kami tumatakbo, kasama ko ang fourth years na tinuturuan ni Sir sa PE. Hindi ko expect na PE teacher din siya, sabagay hindi naman ako mahilig makialam sa ibang tao lalo na kung hindi talaga ako interesado.

Kaya naman pala pinatawag niya ako, kulang ng isang babaeng member ang klase nila. Kaya daw ako ang kinuha niya dahil mukhang sanay ako sa takbuhan. Mukha lang! Halos 20minutes narin akong tumatakbo, mula sa exercises at training.

Nakapag pahinga lang ako kanina ng 10mins dahil nauuhaw ako at bumili ng tubig. Tsk! PE rin namin mamiya eh badtrip.

Inaantay ko tong kakampi ko na makalapit saakin at ibigay ang baton, hindi pa kami nananalo mula kanina nakakatatlong game na kami at dahil eto ang huli balak ko nang manalo. Habang si Sir Enrique naman nanonood lang sa malayo, kanina tumakbo rin siya kasabay namin, siya rin ang nagdemo ng exercise.

ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon