Wassup guys! Here's the chapter 7!
Idk kung may nakasubaybay pa HAHAHAHA but anyways I hope you enjoy!
Smile =)
Pizyow! ✌🏻 🤟____________________________________
*MONDAY*
*ADE*Kakatapos lang nang pang-apat na subject namin ngayon at nabalitaan kong lumipat nga si Christine sa school namin.
"Zap bilisan mo nagugutom na ako." nagmamadaling saad ni Ziah.
"Mauna kana" sagot ko sakanya.
"Eh? Sabay na tayo" saad niya.
Inayos ko na nang mabilisan ang gamit ko baka sumakit pa tiyan neto.
"Tara na" pagyayaya ko sakanya.
Pumunta na kami ng Cafeteria at as usual marami ang taong bumibili kaya nag-antay muna kami sa labas. Nung kumonti na pumasok na agad kami at nag-order.
"Isang C1 po atsaka isang P1" nakangiting order ni Ziah.
"Sige sandali lang" sagot nung babae, ilang minuto lang dala na niya ang order namin.
"Eto hija" saad nung tindera.
"Salamat po!" nakangiting saad ni Ziah at kinuha namin ang order.
Papunta na sana kami sa usual spot namin ng nakita ko si Christine kasama si Chiaki at ang banda.
"Badtrip" Inis na saad ni Ziah.
Wow parang nung isang araw lang nabara niya ako dahil kay Christine tapos ngayon siya pa galit? Grabe boi!
"Tara na" yaya ko sakanya.
"Ano? Ayokong makasama yang babaeng yan!" naiinis na saad niya.
"Ziah ano ba hindi ikaw ang niloko okay? ako at ano bang problema doon?" tanong ko.
"Kahit na Zap baka nakakalimutan mong kaibigan kita?" paglalaban niya.
"Baka rin nakakalimutan mo yung pambabara mo saakin nung isang araw? Ikaw pa nga mismo nagsabi na sweet sila." sagot ko naman.
"Binabawi kona ang sinabi ko." saad niya.
"Sige kumain ka sa labas." saad ko.
"Abat! Mas pipiliin mo pa siya ano?" galit na tanong niya.
"Eh saan mo gustong kumain? Puno na ang cafeteria Ziah." saad ko sakanya.
"Edi sa labas tayo!" sagot niya naman.
Sasagot pa sana ako ng may umakbay saaming dalawa.
"Pinagtitinginan na kayo oh." turo ni Timothy sa mga nakatingin at umiwas naman sila.
"Tsk! Bitawan moko nag-uusap pa kami eh!" naiinis na sambit ni Ziah, habang nilalakad kami ni Timothy papunta sa pwesto namin.
"Bibigyan kita ng tatlong segundo" pagbabanta ko kay Timothy.
Agad niya namang tinanggal ang pagkakaakbay saakin.
"Problema nun?" tanong niya kay Ziah.
"Ewan ko din simula nung nakita namin kayo nag iba ang mood niya." saad naman ni Ziah.
Lumapit na agad ako at umupo sa tabi ni Isaac, pinakiramdaman ko ang sarili ko, tsk bat nawala nga ako sa mood? Ayos naman ako kanina ah? Badtrip. Dumating narin sila Ziah at katabi ko siya sa kabilaang side habang katabi niya rin si Timothy. Si Adler naman katabi si Christine at sakabila si Chiaki.
BINABASA MO ANG
Comeback
Любовные романыI was very lonely at that night, until he come back again. Would you still accept the person who cheated on you? (On-going)