Chapter 19: His Introduction

14 0 1
                                    

Yeppp, I'm in this shit again! Let's all say...
Here's Chapter 19! Enjoy! - I'm starting to get rid of that line, but I don't want to at the same time.

1!2!3-
Pizyow! ✌🏻 🤟

____________________________________

Bago paman ako makalabas ng room nag vibrate na agad ang cellphone ko, agad ko itong kinuha at sinagot.

"I'm at the parking lot," saad ng kabilang linya.

"Papunta na ako," sagot ko tsaka pinatay ang tawag.

Lumabas na ako ng room kasabay si Ziah na busy parin sa cellphone niya, dumiretso kami sa parking lot at nakita ko agad si Jacob sa hindi kalayuan, kumaway naman siya saakin at tumango lang ako bilang sagot.

"Sino yun?" nagtatakang tanong ni Ziah, akala ko hindi niya napansin yun.

"Jacob," sagot ko.

"Jacob?" singkit matang tanong niya.

"Zapara," sagot ko.

"Ano mo?" tanong niya ulit.

"Old friend," sagot ko at tuluyang lumapit sa motor ko.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ulit ni Ziah, nakakailan na to ah.

"Bakit gusto mo bang sumama?" pabalik na tanong ko at sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Hi! You're Xzanvier's friend right?" nakangiting tanong ni Jacob kay Ziah.

"Yeah, I'm Ziah Ann Gonzales," pakilala ni Ziah tsaka iniabot ang kamay niya.

"I'm Jacob Zapara, Xzanvier's soon to be boyfriend," nakangiting sagot ni Jacob at tinanggap ang kamay ni Ziah.

"Lakas naman ng hangin dito Zap, baka matangay pa ako sige una na ako ingat!" parinig ni Ziah, tsaka nagpaalam.

"Hmmm, ingat," sagot ko at tuluyan na siyang umalis.

"She's cute too," nakangiting komento ni Jacob habang nakatingin parin sa dinaanan ni Ziah, he's really a playboy.

"May jowa na yon, tigilan mo na nga yang kalandian mo," saad ko naman sakanya na ikinatawa niya.

"Come on, don't be jealous... Ikaw parin ang bibi ko," sagot niya habang kinakanta ang last line, sinuntok ko naman agad siya sa balikat niya na ikinatawa niya lalo.

Ang hangin parin ng isang to walang pinagbago, ilang taon na ang nakakalipas pero bolero parin siya.

Sumakay na ako sa motor ko tsaka sinuot ang helmet ko at tumingin sakanya.

"Susunod nalang ako sayo," saad ko sakanya at tumango naman siya.

"You look cool with the bike, bumili narin kaya ako ng katulad ng motor mo? Para bukod sa pagiging matchy natin masasabi rin nilang 'bagay' tayo," saad niya tsaka ako kinindatan at umalis.

Anong klaseng banat yon? Hindi man lang umabot sa kalingkingan ang kilig na naramdaman ko, imbis nga na kilig ang maramdaman ko pandidiri pa, tsss. Eh kung siya kaya banatan ko?

Sinundan ko lang siya ng tingin papalabas ng gate at nakita ko siyang sumakay sa isang Ferarri F8 tributo, iba talaga pagmayaman, lumabas na rin ako at sinundan siya sa likod.

Niyaya niya akong kumain sa labas kanina nung nasa music room pa kami at tumanggi ako dahil may afternoon class pa, hindi rin siya pumayag na tumanggi ako kaya napagkasunduan namin na after nalang ng afternoon class, kaya eto ako ngayon naka sunod sa chickboy na to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon