Chapter 14

7 2 0
                                    

Yoshhhhh! Inspired by B.R. Arigato HAHAHA

Here's Chapter 14! salamat sa mga sumusubaybay Hahaha, nakakatouch lol!
Enjoyyyyy!!

Pizyow! ✌🏻 🤟

____________________________________

Nandito ako ngayon sa room kasama ang mga ka grupo ko sa English, pinag-uusapan namin kung anong produkto ang gagamitin namin sa commercial break, habang ang kila Ziah naman ay about foods.

"So anong mga gamit ang naisip niyo na pwede natin gawing commercial?" tanong ng leader namin.

"Damit,"

"Bags!"

"Relo!"

"Shampoo! Hahaha,"

Kanya kanyang komento ng mga kaklase ko at tumingin naman ang leader namin saakin.

"How about you Zap?" tanong niya tsaka naman tumingin ang mga kaklase ko saakin.

"Guitar," maikling sagot ko tsaka ngumisi, tumawa naman sila.

"As expected!" saad ng isa kong kaklase.

"Why not? Ukulele what do you think?" suggest ko sakanila.

"Pwede tayong mag shoot sa isang beach habang nagbo-bonfire sila while using ukulele, tapos acoustic guitar naman sa beach nalang din yung lalaki kinakantahan yung babae, then syempre gagawa tayo ng brand name natin, nagbi-benta tayo ng mga gitara tapos ipapakita natin kung gaano kaganda ang tunog at kung gaano katibay ang binebenta natin, tapos sa dulo ng commercial ipapakita natin yung mga actors natin na masaya sa binili nilang product." mahabang paliwanag ko sa naisip ko at nagpalapakan naman sila.

"Guys! She's Zaphyr Xzanvier Zacharia a 21 year old woman from class SP A-1!!" saad ng isang kaklase ko at nagpalakpakan naman sila, tumawa ako sa ginawa nila.

"So what do you guys think?" tanong ng leader namin sa ibang kagrupo ko.

"Why not?"

"Sige,"

"Maganda naman yung idea,"

Kanya kanyang komento ng mga kamiyembro ko.

"Then it's settled!" masayang saad ng leader ko.

"Yesssss!" sigaw naman nila.

"Beach!" sigaw nung isa.

Tumayo naman kaagad ako sa pagkakaupo ko at lumipat sa pwesto ko, tinignan ko sila Ziah at mukhang may naisip narin sila.

Tumingala nalang ako at ipinikit ang mata ko, ang tagal matapos nang oras uwing uwi na ako, idagdag mo narin tong gutom ko, tsk.

"Hoy Zap!" tawag ng isang pamilyar na boses, si Ziah siguro to.

"Oh?" sagot ko sakanya habang naka pikit parin ang mata ko.

"Ayaw mo pa ba umuwi?" tanong niya, na nagpamulat ng mata ko.

"Ha? Uwian naba?" masayang tanong ko sakanya.

"Oo," sagot niya.

"Seryoso? Sige tara na," saad ko tsaka tumayo.

"Nyare sayo?" nagtatakang tanong niya.

"Wala," nakangiting sagot ko.

"Kailan kapa naging masaya umuwi ng bahay niyo?" tanong niya ulit na nagpatigil saakin.

ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon