"AND now, you may kiss the bride," usal ng pari.
Ang mukha ng dalawang taong nakatayo sa harap ng altar at pawang nakaputi ay nagtagpo. Mabining halik ang ikinintal ng lalaki sa labi ng babae.Ang eksenang iyon ang naabutan ni Phoebe nang pumasok siya sa malaking pintuan ng simbahan. She halted her steps. Nagdalawang-isip kung tuluyang papasok sa loob o hindi.
Imbitado siya kasama ang mga piling bisita sa kasal ng mga taong malapit sa kanyang loob. One was her friend and a co-worker and the other one was his ex-boyfriend. Isang relasyon na nagtagal ng mahigit dalawang taon.
Phoebe filled her chest with air and breathe it out slowly. Sa paraang iyon ay pansamantalang maiibsan ang hapdi na bumangon sa kanyang loob. Being selfless is not easy, but it damn feels good seeing two people look each other with so much love.
Kaya naisip niya, marahil, all the pain she's feeling was worthit.Imbes na tumuloy sa simbahan, inikot ni Phoebe ang mga paa at tinungo ang nakaparadang kotse. Doon na lamang niya hihintayin ang bagong kasal.
Minutes gone by, isa-isa nang nagsilabasan ang mga tao. Ang pinakahuli ay ang bagong mag-asawa.
Sari-saring paraan ang ginawa ng mga bisita para batiin ang mga ito na malugod naman tinanggap ng dalawa.
When the groom shifted his eyes unto her, she smiled. It was sincere, yes, but she couldn't help but think, 'Ano kaya kung ako ang nandiyan sa tabi mo? Ano kaya ang pakiramdam?'
She waved back when the man raised his hand to greet her.
Pinagalaw ni Phoebe ang mga labi at nagsabi, "Happy for you."
Mukhang nakuha ng lalaki ang ibig niyang sabihin kahit hindi nito narinig ang kanyang salita dahil tumango ito nang bahagya.
"Throw the bouquet!" narinig niyang sigaw ng isa sa mga bisita.
"Alright." Tumalikod ang bride at nagbilang. Phoebe just crossed her arms against her chest, pinanood kung paano masayang naghintay ang mga gustong sumalo.
When the bouquet went in the air pati siya ay napatingala, pero hindi inakala na aabot sa kanyang puwesto ang hagis ng bride. She untangled her arms and catch the flowers. Her face was a surprise.
The beautiful bride giggled. "Ikaw na ang susunod!"
Phoebe didn't know what to say, so she smiled and raised the flower.
'Paanong ako? Back to zero na nga.' Gusto niyang mapailing.
Everyone went straight to the reception. A fine dining in a five star hotel. Hindi naman siya nagtagal dahil may appointment pa na nakaantabay.
It was supposedly a happy occasion pero nahapo siya. She was smiling all day, but her heart was in tears.
Tiningnan niya ang bouquet na nakalapag sa passenger seat, a combination of three pretty white flowers and slinky green leaves.
'Mukhang nagkamali ka ng nilapitan,' she thought and smiled wistfully.
***
"Bakit tayo pinatawag?" tanong ni Phoebe kay Mia, ang kasama niya modelo habang hinihila ang upuan sa tabi nito. Nasa isang conference room sila at nakaupo kasama ang mga senior models at ilang mahahalagang tao ng kompanya.
"Darating daw ngayon ang papalit kay Director Homer."
"Magre-resign na pala siya?"
"Matanda na rin 'yon, 'di ba? Baka hindi na kaya ang pressure sa trabaho."
"Sino kaya ang ipapalit?"
"'Yong anak yata ng may-ari. Naalala mo noong seventeenth anniversary, sa Discovery Primea? 'Yong g'wapong nakaupo katabi ni Madam Patty, balita ko 'yon daw, e," sabi ng katabi.
BINABASA MO ANG
COMPLETED Loving Siovhan: The Forbidden Series 2
RomanceA successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything...