The next morning, hindi inakala ni Phoebe na ipapatawag siya ng HR ng Allures sa opisina. Nasurpresa pa siya nang magpang-abot sila roon ni Mia.
"Hi, Phoebe! Akala ko wala kang planong pumirma?"
"Uhm, hindi naman ako pipirma. Pinatawag lang ako ni Mr. Camri," tukoy niya sa HR manager.
"For what?"
Phoebe shrugged. "I don't know."
"Ms. Dantes?" tawag ng babaeng sekretarya kay Mia.
"Papasok na 'ko," sabi ni Mia na isinukbit ang shoulder bag sa balikat at tumayo.
"Sige," usal niya sabay tango at ngiti.
Makaraan ang ilang sandali ay lumabas si Mia suot ang malapad na ngiti.
"Sayang ka talaga, Phoebe. Ang laki kaya ng offer kapag regular."
"Magkano?"
"I'm not gonna spill it out kasi, you know, confidential. But sayang, sana makahanap ka ng paraan para makaalis na sa work mo."
Napabuntong-hininga siya. "Oo nga, e."
"Sige, I'll have to go. Work muna. Bye!"
Tumalikod na ang babae at naiwan siyang naghihintay sa lobby.
"Ms. dela Gracia?"
Tumayo siya nang marinig ang kanyang apelyido.
This way, saad ng sekretarya na inilahad ang palad para ituro ang tanggapan.
Thank you.
"Good morning, Ms. dela Gracia!" bungad sa kanya ni Mr. Camri. Isang may katabaang middle aged man. Maputi at nakalugay ang bangs nito sa harap para matabunan ang malapad na noo.
"Good morning, Sir. Bakit n'yo po ako pinatawag?" Hinila niya ang isang upuan sa harap ng lamesa nito at umupo kahit hindi naman siya inimbitahan.
"Ah, you know, I have been courting you for a while now about joining the regulars, haven't I? Pero lagi mo na lang inaayawan ang offer ko. It wasn't clear to me why you would turn down such great opportunity. Maraming part-timers ang naghihintay ng promotion, yet nandiyan ka, umaayaw.
Wala siyang nagawang tugon kundi ang bumuntong-hininga.
Yumuko itong bahagya at naglabas ng kuwadradong bagay mula sa drawer.
"Gusto ko lang makipagkuwentuhan sa iyo. Know you more maliban sa nakasulat sa resume na ito." Habang nagsasalita ang lalaki ay nagsindi ng tabako. Humithit at saka ibinuga sa gilid ngunit lumaganap pa rin ang usok sa kanyang dako kaya napaubo siya.
"Oh, are you allergic to cigarettes?" Tumayo ito at binuksan ang bintana. Unti-unting nagsilabasan doon ang mga usok kaya nakahinga siya nang magaan.
"Mahina lang po ang baga ko sa ganyan."
"I'm sorry." Hindi na umalis ang manager sa tabi ng bintana at doon ipinagpatuloy ang paninigarilyo. "As I was saying, I want to know you more. For example, why don't you want to pursue with the contract? What are the things that's stopping you? Family? Boyfriend?"
"Hindi naman po sa..." Huminga siya ng malalim dahil nanikip nang bahagya ang kanyang dibdib. "–ayaw ko, kaso mahihirapan po kasi akong makaalis sa pinagtatrabahuhan ko, Sir."
"Youre referring to Terrain Automobiles?"
"Yes. Three years kasi ang contract ko roon, and Im still at my second. May tenure bond akong nakasalang kaya kung aalis ako, kailangan kong bayaran iyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/228598613-288-k310971.jpg)
BINABASA MO ANG
COMPLETED Loving Siovhan: The Forbidden Series 2
RomanceA successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything...