"Iyan na ba ang lahat ng kailangan mong bilhin?" tanong ni Siovhan kay Phoebe habang magkatabi silang naglalakad sa malapad na daan ng mall. "Whenever you need to buy something, just go to a mall, sweetheart . It's more safe here. Avoid those creepy places."
Hindi nakaligtas sa pansin ni Phoebe ang paggamit nito ng endearment pero hinayaan na niya. Mukhang sanay lang talaga ito sa ganoong pagsasalita, base sa paraan nito ng pakikipagharap sa ibang tao.
"Mas nakakamura kasi ako kapag doon, then pareho lang naman ang quality."
"But you're putting you safety at risk." Ang mga tingin na binibigay ni Siovhan sa tuwing magkaharap sila ay iyong tipong nakikita niya sa mga mata ng nagmamahalan. Even Ali didn't had a look for her like that. Tanging si Julia lang ang nakaangkin sa ganoong gesture ng lalaki. The reason why she let go, and pushed him to reconcile with the woman and confess.
Pero si Siovhan, they weren't even lovers, or in a relationship pero bakit kung makatingin ito, feeling niya ay mahal na mahal siya. Even the way he treated her. Hanep din ang style ng lalaki, kaya pala nagkakandarapa ang mga babaeng magpabiktima dito.
"Okay, hindi na."
"Nai-report na ang incident regarding the holdaper, Phoebe and the police are taking actions already."
"Okay lang naman, Siovhan, I can buy a new bag and cellphone but my IDs, and contacts. Iyon lang talaga ang concern ko. Kung sana lang, ang mga hodaper, iniiwan ang sim cards and IDs," himutok niya.
"You can't expect those criminals to please their victims, sweetheart."
"Yeah..."
'Ikaw lang naman siguro ang nambibiktima na namimigay muna ng yaman,' she thought.
"Later, give me your details. Just send it to me through text. May kakilala ako sa government, puwede akong humingi ng tulong para magawan ka kaagad ng IDs."
Napatingala siya mula sa pagkakatungo sa sahig.
"Really?"
"Yeah, sure, Phoebe. Anything," anitong ngumiti. Napangiti rin siya sa saya. He can be very handy sometimes.
Napabaling ang tingin ni Siovhan nang mula sa kung saan ay nakatagpo ito ng kakilala.
"Siovhan?" sabi ng kaibigan nito na wari ay nasurpresang nakita ang lalaki. Inilahad nito ang mga kamay.
"Lance!" Sinalubong naman ni Siovan ang huli at kagyat na nagyakapan ang dalawa kaya bahagya siyang naiwan sa kinatatayuan. Sa gilid ng nagngangalang Lance ay isang babaeng naka-casual attire. Chiffon blouse na nakapaloob sa pencil skirt.
"Marian, so pretty, as usual."
"Thanks Siovhan." Matamis ang ngiti ng babae na halatang na-flatter sa sinabi ng lalaki.
Phoebe raised her brows when the woman threw her a quick assessing look.
"Shopping?" tanong ni Lance na nakangiti pa rin.
"Yeah, some stuff," Siovhan shrugged.
"Sino'ng kasama mo?"
"Oh," lumingon ang lalaki sa kanya at inilahad ang kamay, pinagalaw ang mga daliri para sabihan siyang lumapit. Nang makalapit si Phoebe ay nanigas ang kanyang leeg nang pumaikot ang kamay ni Siovhan sa braso niya at bahagya siyang hinapit. "She's Phoebe dela Gracia."

BINABASA MO ANG
COMPLETED Loving Siovhan: The Forbidden Series 2
RomanceA successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything...