"Ali, you have to help me with this one! Please." Nakaupo si Phoebe sa metal na silya na nasa garden, ang lalaki naman ay nakatayo habang nakapamaywang. It was afternoon of the next day and she was at his house dahil desperado na siya sa kanyang plano.
"Where's that street again?"
"In San Roque. Iyong may maraming stalls ng mumurahing damit."
Nabaling sa kanan ang mga mata ni Ali habang inaalala ang hitsura ng lugar.
"Oh, yeah, I remember," pagkuway tango nito. "Na-holdap ka? Bakit ka napunta roon?"
Phoebe clicked her tongue. "E, kasi, I was looking for some cheap costumes. Tomorrow, okay? Go with me, hanapin natin iyong holdaper."
"Hindi ba nakakatakot iyan?"
Mula sa loob ng bahay ay lumapit si Julia sa kinaroroonan nila. Maingat na itong maglakad dahil sa malaking tiyan. Sa pagkakaalam niya ay kabuwanan na nito.
Kahit na anxious siya sa iniisip na problema ay hindi maiwasan ng kanyang mga mata ang mapangiti. The moment Julia reached Ali's side ay hinapit ito ng lalaki sa balikat at hinagkan sa ulo.
"K-kailangan ko lang talagang makausap ang taong iyon kasi, Julia," she was silently begging gamit ang kanyang mga mata. "Wala na kasi akong ibang mahingan ng tulong."
"Don't worry baby, I'll contact one of my friend. May connection siya sa PNP. Sakaling manganib ang sitwasyon."
Tumingala ang babae sa asawa at napangiti.
"Mag-iingat kayo ha?"
"Thank you," saad niya na ngumiti sa mag-asawa.
"No worries," Ali said shaking his head.
Kasama nga si Ali nagtungo si Phoebe sa eksaktong lugar kung saan niya nakita ang holdaper. Kasama nila ang kaibigan ng kaibigan ni Ali, isang pulis pero hindi nakauniporme.
Inside her bag was a stun gun, in case the situation gets worse.
They're done examining the alley ngunit wala silang natagpuan.
"Subukan natin sa kabila," saad ng pulis ngunit hindi pa rin nila mahanap ang holdaper.
"Hindi kaya nakulong na?" sabi ni Ali.
"Malamang," tatangu-tangong sagot ng pulis. "Susubukan kong humingi ng tulong sa malapit na--"
"Wait!" putol ni Phoebe sa sinasabi ng lalaki. Napalingon ang dalawang kasama kung saan nakatuon ang kanyang atensiyon. "S-siya 'yon!" pagkuway turo ng babae sa lalaking nasa loob ng isang sari-sari store. Maliit lamang iyon ngunit dahil sa bukas na harapan ng tindahan ay klaro ang hitsura ng lalaki.
"Sigurado ka?" tanong ng pulis.
"Oo, oo siguradung-sigurado. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya!"
Dahil sa nakita ay muling nanumbalik ang takot na kanyang naramdaman noong nangyari ang insidente.
"It's fine, Phoebe," saad ni Ali na tinapik ang kanyang likod.
"Tara, lapitan na natin," saad ng pulis.
"Pano kung biglang manlaban? May baril?" puno ng pagkabahala ang mukha ni Phoebe na tumingin sa lalaki.
"Ako ang pupunta, magpapanggap akong bibili. Tapos sumunod ka. Magtatanong lang naman tayo. Pero kung bigla siyang maghahasik, siguro ay kaya ko naman siyang pigilan. May dala rin ako. Pero kapag kinakailangan na, isang tawag lang naman sa head quarters, reresponde sila. Ano, game na?"
"S-sige."
Lumapit nga ang pulis sa tindahan. Bumili ng sigarilyo pagkatapos ay sinundan ni Phoebe at Ali.
"Excuse me..."
Paglingon pa lang ng lalaki ay nanlaki na kaagad ang mga mata nito. Tumitig sa mukha niya, sinunod ang kay Ali. Sa pagtataka ni Phoebe ay bahagyang kumalma ang reaksiyon ng hitsura nito nang makita ang mukha ng katabi.
"Ikaw 'yong babae," saad nito. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Ako nga, ako 'yong hinoldap mo!"
"Ano pang kailangan mo sa akin? E, naibalik ko na lahat sa 'yo!"
"Ano'ng naibalik? Hinablot mo ang bag ko. Walang naibalik na kahit isa sa akin."
"Ibinigay ko doon sa lalaking naka-amerikana ang lahat ng gamit mo! Boypren mo 'yon 'di ba?" Pagkatapos bitawan ang salitang iyon ay napatingin ito kay Ali. "Sino naman 'to? Boypren mo rin? Kaya siguro pinamanmanan ka ng lalaking 'yon kasi nagtu-two time ka" anitong nagsindi ng sigarilyo.
"Ano'ng ibig mong sabihing pinamanmanan?"
"Binayaran niya ako para holdapin ka." Namaywang ito habang hithit ang sigarilyo. "May sayad yata 'yon, e. Sinunod ko naman ang lahat ng sinabi niya na takutin ka at kunin ang bag mo. Bigla na lang nagalit. Tingnan mo." Ipinakita nito ang sugat sa tainga na naghilom na. "Kagagawan niya 'yan. Kuha ba namang suntukin ako pagkatapos magbayad."
Phoebe's mind was refusing to understand whatever the man was saying. Nakakarinig siya ng mga salita ngunit hindi napo-proseso ng kanyang utak.
"Ang lalaking iyon ang may pakana ng pagholdap mo kay Phoebe?"
"Oo, at kinaumagahan, binalikan niya ako rito para magbayad at kunin ang mga gamit niya," saad ng lalaki na pinatulis ang nguso para ituro si Phoebe.
"Malubha siguro ang atraso mo kaya ginawa niya iyon sayo. Basta, labas na 'ko d'yan. Ayoko nang makaharap ang lalaking iyon, iba e."
Napakapit sa braso ni Ali si Phoebe sa narinig.
"Sige salamat po. Aalis na po kami." Ang pulis ang nagsalita.
"O, magkasama pala kayo?" anang lalaki.
"Oo, 'yon lang ang gusto naming malaman," usal ni Ali.
"He may be insane Phoebe."
"No, siyempre hindi. Mabait siya, Ali."
"Pero hindi normal na magsuhol siya ng tao para gawin iyon sa iyo. Ipaholdap ka? That's absurd!"
Nasa kotse na sila ng lalaki pauwi ng bahay nito. Ang kaibigan nitong pulis ay umuwi na ring mag-isa.
"I don't know, Ali. I love him, hindi ko maisip na kaya niyang gawin ang mga ganoon. Lalo na sa akin."
"But that man confessed. Wala siyang mahihita kung magsisinungaling siya sa iyo. You must be careful with that guy you're dating, Phoebe. You'll never know, he might be suffering from mental illness."
Natahimik si Phoebe dahil kahit siya ay hindi masagot iyon. Hindi niya pa masiyadong nakikilala si Siovhan, pati nga ang family background nito ay wala siyang alam. Ang tanging nalalaman niya ay anak ito ng chairman ng Allures at asawa ni Violet.
He doesn't want to admit it pero mukhang patung-patong ang lihim na tinatago ng lalaki sa kanya. But why? Bakit kailangang gawin nito ang lahat ng iyon. He's been lurking secretly behind her back. Hindi niya maiwasang mag-isip ng nakakatakot na ideya sa mga gawain nito.
Pagkarating nila sa bahay ni Ali ay hindi na siya nagtagal pa. Sakay ang kotseng iniwan niya doon, umuwi na siya ng bahay dala ang mga isiping kahit siya ay hindi alam paano intindihin.
Ano pa? Ano pa ang mga haharapin niyang pangyayari at matutuklasan na sikreto tungkol sa lalaking minamahal? Is he always like this to his women?
BINABASA MO ANG
COMPLETED Loving Siovhan: The Forbidden Series 2
RomanceA successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything...