"Sissy!" Napalingon si Phoebe sa matinis na boses na nagmula sa kanyang likuran.
"Mia, saang table ka pala? Kanina pa kita hinahanap."
The woman was covered in a sexy maid attire. May pink na apron na pinatong sa two piece attire at bunny headband.
"Nakita ko ang pagdating mo kanina." The woman giggled. Medyo dramatic, nakuha mo ang attention ng lahat.
"Tatlo kami no'n. Halika, upo ka muna," yaya ni Phoebe dahil bakante ang katabing upuan niya. Umalis kasi ang umuukupa niyon, matagal nang hindi bumalik.
"Hindi na. Kanina pa ako nakaupo, e." Iwinasiwas ni Mia ang palad sa harap. "But everyone's eye were at you." Inilibot ng babae ang paningin sa makukay na paligid. "Everyone's enjoying, mukhang successful ang pa-party ni Van. Marami na naman siyang mabibingwit sa pagkakataong ito. Can't help but think, baka sinadya niya ang ganitong theme para maglabasan ang nakatagong gems ng mga babaeng empleyado. And he would just point his fingers"--itinuwid nito ang daliri sa harap--"select, select then collect. Ang suwerte naman ng mga babaeng iyon kung sakali."
Phoebe swallowed a lump. She somewhat felt guilty by that statement. Tuloy uminit ang kanyang tainga.
"Mamaya niyan magtataka ka na lang dahil nawala na si Van sa tabi ni Violet. Oh, poor Violetta." Lumingon ito sa likuran na sinundan ni Phoebe. Mia was gazing at the married couple chatting with friends at a round table. Wide smiles were on their faces. Ang kamay ni Siovhan ay naglalakbay sa braso ng asawa habang tangan ng isang kamay ang isang kopita ng inumin. Nagbawi ng tingin si Phoebe nang inilapit ng lalaki ang mukha kay Violet.
She almost rolled her eyes kung hindi lang humarap ulit si Mia sa kanya.
"Saan mo nakuha 'yan?" tanong niya na tinitigan ang bitbit nitong dilaw na inumin.
"Sa table namin, wala ba dito?" Tiningnan nito ang kanilang mesa.
"Naubos na yata. May nakita ako kanina, e."
"I'll get some for you." Akmang lalayo si Mia ngunit pinigilan ni Phoebe.
"Huwag na, ako na." She left her seat and headed to the other tables.
Ngunit habang naglalakad ay napagtanto ni Phoebe na mabigat na pala ang kanyang pantog. Kung hindi siya tumayo sa kinauupuan ay hindi pa niya mapapansin iyon. Since nakaalis na siya sa lamesa, mabuti pa na tutuloy na lamang siya sa CR nang sa ganoon ay hindi na niya kailangang umalis-alis mamaya.
'Ang alam ko ay labasan ito patungong CR, hindi pala?'
Iginala niya ang paningin sa may kadilimang likuran ng stage. Mukhang nag-e-enjoy nga talaga ang guests dahil wala man lang nagagawi sa banda roon. Binuksan ni Phoebe ang nakitang itim na pintuan sa sulok sa pagbabakasakaling iyon ang hinahanap.
Ngunit nadismaya siya nang makitang utility room pala iyon. May kahon ng mga tissues at iba-ibang cleaning solutions ang maayos na nakasalansan.
'Iikot pa ba ako? Nakakatamad naman.'
Hand still gripping the knob, Phoebe stepped back and motioned to close the door but halted when her back bumped to something...or rather, someone.
Hinawakan nito ang kamay niyang nakadikit pa rin sa door knob at tinanggal. Sisigaw na sana ang babae ngunit kaagad siyang itinulak ng taong iyon papasok sa utility room kaya nakulong sa loob ng silid ang kanyang boses.
"Siovhan?"
"Hello sexy bunny." Ang kanyang pagkagulat ay nahalinhan ng isang ngiti nang makita ang guwapong mukha ng lalaki. Siovhan's smooth hand quickly traveled on her almost bare thigh. Ang magaspang na tela ng fishnet stockings ay mas lalong nagpahatid ng kiliti sa kanyang balat.
BINABASA MO ANG
COMPLETED Loving Siovhan: The Forbidden Series 2
RomanceA successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything...