Part 5

1.1K 39 14
                                    

Phoebe's jaw almost dropped to the ground as she exited the long hallway. Waves of dancing colorful lights were in every corner of the dark place. Walls were shaken by the thunderous and vocally extravagant music, urging the crowd to rock their souls as if bewitched by a mystical verve.

Hindi mahulugan karayom ang kumpol ng tao sa loob niyon na kahit siya ay naguguluhan kung paano ang mga ito nakakahinga. Nagawa pang sumayaw na parang wala nang bukas.

It was three in the afternoon, kung gaano man kainit ang labas ay ganoon din ang paglagablab sa loob ng disco. Halos magkandahubo na ang mga babaeng walang laman ang isip kundi ang gumiling. Phoebe could even see some guy, slid his hand inside the brunette woman's skimpy sequined skirt. Sa isang tingin ay mas mapapagkamalan ang mga itong nagtatalik kaysa sumasayaw.

Napaigtad si Phoebe nang maramdaman ang pagdaiti ng isang banayad na kamay sa kanyang baywang. Tiningala niya ang mukha ng kasama.

Siovhan posed a smile but loosen his touch.

"This way."

Nasa baywang pa rin niya ang kamay nito habang tinatahak nila ang daan sa gilid ng disco. Doon, may kaunting espasyo kung saan puwedeng dumaan ang mga naglalakad. Ngunit hindi pa rin naiiwasan na may bumunggo sa kanila lalo kapag grupo o magkapareha ang nakakasalubong.

Muling lumapat ang palad ng lalaki sa kanyang baywang nang bahagya siyang matulak sa braso ng isang tao.

Sa paraan ng pagkakahawak ng lalaki sa kanya ay tila gusto nitong protektahan ang isang pag-aari ngunit nangangamba na masaktan sa sariling kamay.

Her heart pulsated together with the beat of the heavy music. Kagyat ding nanigas ang kanyang tiyan.

Huminto sila sa isang bar na may kulay orange at yellow na ilaw. Nakahilera sa isang malapad na shelf ang klase-klaseng makukulay na inumin. She does drink but not heavy, and she doesn't give attention to those liqours, expensive or not. Basta kung anong nirerekomenda ng mga kakilala niya ay iyon ang kanyang kinukuha.

"Rusty nail!" Siovhan said with a friendly smile to the tall guy behind the bar. Nag-thumbs-up naman ang huli bago may kinuhang bote. Nakayukong tinitingnan ni Phoebe ang menu ng mga inumin kaya nagitla na naman siya nang marinig ang suwabeng boses ni Siovhan malapit sa kanyang tainga. Kagyat siyang napalayo. "Cocktail?" tanong nito na hindi kakitaan ng pagtataka ang mukha. Inosenteng nakangiti lang sa harap niya.

"Uhm...yes. Ito." Basta na lang niyang itinuro ang nakitang kulay pink na inumin.

"Fresh fruit cocktail," saad nito sa bartender na naghahalo ng inumin. Ngumiti lang ito bilang tugon.

"I hope I didn't fail you for saying 'offbeat'." Nasilayan na naman ni Phoebe ang pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Nakalapat ang pang-upo ng lalaki sa bilog na bar stool habang ang mga siko ay nakatukod sa counter. Ang isang paa ay nakapatong sa bakal na footrest at ang kabila naman ay nasa sahig. Nakaharap ang katawan sa mga taong walang sawang umiindayog.

With his cheerful smile, Siovhan looked carefree and coy. Ngayon, iba ito sa nakikita niya sa TV o noong nagsalita ito sa entablado ng Allures. Right at that moment, he looked like an ordinary guy minus the extra ordinary appeal.

"No," iling niya. "Hindi rin kasi ako masyadong nagpupupunta sa ganitong lugar unless kung may importanteng taong nagyaya."

"So, kabilang na ba ako sa mga importanteng taong nagyaya?" he said with a teasing grin.

"Today's an exemption, I guess." Napapangiti na rin siya dahil nakakahawa ang pagkamagiliw nito.

Tinawag ng bartender ang atensiyon nila kaya naputol ang kanilang malakas na usapan. Tinanggap ni Siovhan ang dalawang inumin at ibinigay sa kanya ang isa.

COMPLETED Loving Siovhan: The Forbidden Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon