The next day ay araw ng pasok ni Phoebe sa Allures. Pagkarating na pagkarating pa lang niya ay sinabihan na siya ng isa sa mga studio staff na pinapatawag siya sa HR.
'Kakarating ko pa lang!'
And she still didn't feel good. Bumabaliktad pa ang sikmura niya, pati dighay ay amoy at lasang alcohol pa. She swore to never drink that heavy again.
Pagkagising niya sa kaninang umaga ay halos nahirapan siyang ibuka ang mga mata sa sakit ng ulo. Tila mabibiyak iyon sa tuwing igalaw niya. Ininuman na niya ng pain reliever pero bahagya lang nabawasan ang kirot.
"Okay, I'll be there. Mag-aayos lang ako dito saglit."
Umakyat naman kaagad siya matapos ang ilang sandaling pananatili sa dressing room.
Ang HR department ay kabilang sa opisina na nasa third floor kaya kailangan pa niyang sumakay ng elevator. Mas lalong nahilo ang ulo ni Phoebe sa galaw niyon. Tila hinalukay ang kanyang tiyan.
She inhaled deeply before knocking the manager's door.
"Good afternoon, Sir, pinapatawag n'yo raw po ako?"
'Ulit,' she wanted to add.
Sa kabila ng walang emosyon niyang anyo ay malapad ang ngiti nito.
"How are you, Miss dela Gracia?" gusto niyang umirap sa tanong. Kung hindi niya lang alam na wala itong alam sa nangyari sa kanya ay tatanggapin niyang sarkastiko ang tanong nito.
"I'm quite good, Sir." Kusa na niyang hinila ang silya at inupuan iyon dahil nanlalambot pa ang kanyang mga tuhod.
"Alam kong kailan lang nang pinatawag kita rito sa opisina."
'Buti alam mo.' Hindi na niya maiwasang isipin na baka may gusto ito sa kanya.
"But you know, anything may change in a wink of an eye. For example your decision for this contract." Itinulak ng lalaki gamit ang daliri ang isang brown folder sa na nasa ibabaw ng mesa patungo sa kanya.
Napatitig si Phoebe sa folder na nakahimlay. Oo nga, bakit niya ba nakalimutan ang bagay na iyon kahapon? She let herself drowned in alcohol and frustration where in fact some big catch was patiently waving at her. Useless pala ang lahat ng pag-iyak-iyak niya at pagwalwal!
Nabuhayan ng loob si Phoebe at nagising ang lutang pa sanang diwa. Dinampot ang kontrata at pinasadahan ng tingin. Halos umukit ang letrang P sa kanyang dalawang eyeballs nang makita ang halagang nakasaad.
"Pipirma po ako, ngayon," puno ng kasabikan niyang sabi.
"Go ahead, Ms. dela Gracia."
Kinuha niya ang ballpen na nakalatag sa gilid ng folder at kaagad nagsulat sa lahat ng pahina. Napahugot siya ng hangin sa dibdib nang matapos at sa dalawang kamay ay inabot kay Mr. Camri ang kontrata.
"Very well. Congratulations!" Inilahad ng ginoo ang kamay sa harap para sa isang lamano. Malugod naman niyang tinanggap iyon.
***
"Ang sarap ng ngiti mo," sabi ni Mia. Naroon na ito sa dressing room nang makabalik siya.
"I just signed the contract!" saad niya na tumabi rito.
"Oh! Oh, I'm so happy for you! Pa'no? Okay ka na sa bond mo?" Nakangiti rin ito na humawak sa magkabila niyang braso.
"Well yeah, I think so. Bahala na sila roon, basta ang importante, absuwelto na 'ko. At regular nako rito!" Nagtitili ang dalawang babae habang pinagdaop ang mga kamay.
"That's a very nice news!" anang kasamang babae.
"Yeah." Phoebe glanced at her wristwatch. May ilang minuto pa siya para sa pagsisimula ng photoshoot. Mabuti naman at may panahon pa siya para umupo. Hindi pa rin kasi nawawala nang lubusan ang hang over niya.

BINABASA MO ANG
COMPLETED Loving Siovhan: The Forbidden Series 2
RomanceA successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything...