Phoebe hadn't expected that she would be called to the HR the next morning. Nagpang-abot sila doon ni Mia.
"Hi, Phoebe! Akala ko wala kang planong pumirma?" Magkaharap silang nakaupo sa receiving area ng HR.
"Uhm, hindi naman ako pipirma. Pinatawag lang ako ni Mr. Camri," tukoy niya sa HR manager.
"For what?"
Phoebe shrugged. "I don't know."
"Ms. Dantes?" tawag ng babaeng sekretarya.
"Papasok na 'ko," sabi ni Mia na isinukbit ang shoulder bag at tumayo.
"Sige," sabi ni Phoebe sabay tango at ngiti.
Makaraan ang ilang sandali ay lumabas na si Mia na may malapad na ngiti.
"Sayang ka talaga, Phoebe. Ang laki kaya ng offer kapag regular."
"Magkano?"
"I'm not gonna spill it out kasi, you know, it's confidential. But sayang, sana makahanap ka ng paraan para makaalis na sa work mo."
Napabuntong-hininga siya. "Oo nga, e."
"Sige, I'll have to go. Work muna. Bye!"
Tumalikod na ang babae at naiwang siyang naghihintay sa lobby.
"Ms. dela Gracia?" Tumayo na si Phoebe nang sunod na tawagin ang kanyang apelyido. Pinapasok siya ng babae sa opisina ng manager.
"Good morning, Ms. dela Gracia!" bungad sa kanya ni Mr. Camri. Isang may katabaang middle aged man. Maputi at nakalugay ang bangs nito sa harap para matabunan ang malapad na noo.
"Good morning, Sir. Bakit n'yo po ako pinatawag?" Hinila niya ang isang upuan sa harap ng lamesa nito at umupo.
"A, I have been courting you to join the regulars, haven't I? Pero lagi mo na lang inaayawan ang offer. It wasn't clear to me why you would turn down such opportunity."
Yumuko itong bahagya at naglabas ng kuwadradong bagay mula sa drawer.
"Gusto ko lang makipagkuwentuhan sa iyo. Know you more maliban sa nakasulat sa resume mo." Habang nagsasalita ito ay nagsindi ng tabako. Humithit at saka ibinuga sa gilid ngunit lumaganap pa rin ang usok sa harap niya kaya napaubo siya.
"Oh, are you allergic to cigarettes?" Tumayo ito at binuksan ang bintana. Unti-unting nagsilabasan doon ang mga usok kaya nakahinga na siya.
"Mahina lang po ang baga ko sa ganyan."
"I'm sorry." Hindi na umalis ang manager sa tabi ng bintana at doon na ipinagpatuloy ang paninigarilyo. "As I was saying, I want to know you more. For example, why don't you want to pursue with the contract? What are the things that's stopping you? Family? Boyfriend?"
"Hindi naman po sa..." Huminga siya ng malalim dahil nanikip nang bahagya ang kanyang dibdib. "...ayaw ko, kaso mahihirapan po kasi akong makaalis sa pinagtatrabahuhan ko. Sir."
"Do you mean the Terrain Automobiles?"
"Yes. Three years kasi ang contract ko roon, and it's still my second. May tenure bond akong nakasalang kaya kung aalis ako, kailangan kong bayaran iyon."
"How much is that?"
"One hundred eighty thousand all in all pero nabawasan na po 'yon since--" Umubo ulit siya.
"Oh! yes. I understand."
"However, I pressumed that transferring here would give you convenience, am I right?"
"Of course, Sir. Since ako po ang breadwinner ng pamilya."
"Alright, alright." Tumango-tango ang lalaki. "I hope magagawan mo iyan ng paraan, Ms. dela Gracia. You know, it pains me how some people, especially women have to go through hardships like you do. If you have any progress about that matter, let me know. Come here anytime."
BINABASA MO ANG
COMPLETED Loving Siovhan: The Forbidden Series 2
RomanceA successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything...