life is not a matter of chance it is a matter of choice

98 2 1
                                    

Si Jonas nakilala nya sa mismong house ng Papa nya isa itong ahente ng something involve sa wellness isa itong machine na makakagamot daw sa mga nirarayuma, oldies kumbaga ang target ng machine na ito.

Sa una pa lang malalaman mong dedicated ito sa work nya sa init ba naman ng panahon ay kinakaya nitong lakarin ang sementadong kalye sa metro manila... Init kaya di ba?

Mabait naman ito at magalang kausap ng papa nya.

Ah siyanga pala ito si Arnie ang aking unica hija mabirong sabi ni Papa.

May dalaga pala kayo.. kamukha nyo po Tay.

Hmmp kung di ka lang cute baka naisnab na kita. Kamukha ko ba Papa ko?? Mama ko yata... Naisip ko.

2nd year college na yan Nursing sa Trinity.

Wow! Ang daldal talaga ng ama ko, mukhang binebenta pa ako eh.

Eeehermmmm!... Kain po tayo.
Sapagkat ako'y kumakain na ng sila ay dumating sa bahay. Babalik pa ako sa school mamyang 2pm.

Salamat kumain n kami...

Tatlo kasi sila e..

Okay sige dito ho muna ako sa kusina.

Mula sa kusina naririnig ko naman ang pinagkkwentuhan nila.

Yang anak kong yan nagmomodel yan sa mall yung mga pants ng Levi's. Yung ang minomodel nya.

Aba! Aba ang aking ama! Ano to ha bakit ganun sinasabi nya..

Hindi naman totoo yun ah ahahaha ang Papa ko talaga. May sapak ba to??

Sa tangkad ho ng anak nyo e talagang makukuha po modelo Yan...

Patay tayo dyan... Naniwala na...

Naiiling ako na hinugasan ko nlng ang plato na pinagkainan ko. Di ko na rin sinaway Papa ko. Kung di lang cute yung kausap nya e.

Papa!! Aalis n po ako. Maaga ako papasok hinihintay na ako nila Maris classmate ko sa library... Wow library?? Paimpress pa ako charooot..

Ah sige anak ingat ka. Paalis na rin sila Jonas sabay na kayo sa labasan baka maligaw sila e.

Charot charot din papa ko e. Second time na sila nakarating dito e. Di ko lng sila nakita nung una kasi sa Mama ko ako nakatira. Yes hiwalay kasi sila.

Nauna na ako lumabas dahil sa hinihintay na ako ng mga kaibigan ko sa library may research kaming dapat tapusin tungkol sa Organic Chemistry. At hindi ako nagbibiro mahirap ang subject na yun.

Nakasunod na pala sa aking likuran ang mga ahente kanina, syempre kunwari di ko sila pansin.

Mmmmm.. Miss Arnie mainit sana may dala kang payong.. boses nung Jonas, kaya ako'y napalingon sa aking likuran. Salamat pero may dala ako ayoko lang gamitin dahil saglit lng naman malapit na sakayan ng tricycle.

Pareho tayo ng way na pupuntahan Miss Arnie kaya pwede bang makisabay.. ngingiti-ngiti lang ang dalwang kasama nya.

Hmmm pwede naman basta kasya tayo sa tricycle eh at itoy napangiti sa aking sinabi.. Kung di ka lang cute talaga ehh. Sabi ko sa sarili ko.

Pagdating sa paradahan sakto walang laman kaya lahat kami nakasakay. At sa luob kami nakasakay, hinayaan talaga kami ng dalawang kasama nya na sa luob kami at sila ay sa tabi Ng driver sumakay.

Kaya naman may chance syang nagsabi na.... Mmmmm miss Arnie pwede bang pahiram ng cp mo?

Alam ko na to e. Di ako pinanganak kahapon noh. Yang galawan na yan? Makikitext ka ba? Di ko sure kung may load pa e. Pero try mo.. sabay abot ko naman..

At yun nga nagtext sya at sabay tumunog ang sarili nyang cp...

Salamat nakangiti nyang wika. Napangiti rin ako dahil Alam ko na ang galawan n ganun.

Pagbaba namin ng tricycle inunahan ko sya ng pagbigay ng pamasahe ko.

Sabay may dumaan na Fx at dun na ako sumakay. Wala pang 30 seconds tumunog ang cp ko.

Pumunta ako sa inbox unregistered number.. Ingat Miss Arnie, pkisaved mo na number ko - Jonas 😊

Hindi ko na sya sinagot baka akala bet na bet ko sya. At Wala ako maisip na isagot. Napangiti nlng ako na binalik sa bulsa ko ang phone ko.

Andito na pala si Arnie e. Sino ba yung sinasabi mo... Yes naitext ko na sa kanila kanina habang nasa fx ako. Excited lang talaga hindi lang maitago need talagang irelease ang kakiligan. Gwapo ba?

Oo naman may itsura sya cute sya noh. Sabi ko.

Panu na si Bf? Naku salawahan ka ha. At napahinto na lang ako. Oo nga pala.

E di ba nagbreak na kayo nun? Nagkabalikan lang sabi ni Maris short for Mariska.

Tama.. actually toxic na nga ang rel namin.. para na lang kaming nagbibilang ng taon wala naman patutunguhan e.

Tumahimik na lang mga friends ko dahil papasok na kami sa library...

Natapos rin namin ang research namin sa Chemistry. At natapos Ang buong maghapon sa school.

Pauwi na ko this time jeep sinakyan ko ito naman talaga sinasakyan ko araw araw pag pauwi na sa bahay. Di ko na pala nacheck kung may text ako dahil nakasilent kanina phone ko sa school.

At may 2 messages ako!! Both from Jonas.

Nareceive mo ba text ko? Nasa school ka na po ba? Aba cute lang may po pa eh.

Ingat ka po pag-uwi.  Haus ka na po ba? Haaaaay... Kilig naman.

Mmmmm.. hi hindi pa ako nakauwi. Text kita pag uwi ko.. Sent

Napahinto ako bgla ko kinancel kaso wala hindi ganun un nasent na e. Parang mag bf lang ang way ng text namin...haaay nakakahiya. Dalagang Pilipina pa rin to ano. Kaso huli na ang lahat.

IF YOU'RE NOT THE ONEWhere stories live. Discover now