Ay si Kuya... Inlove ka na naman ba? Si Jonah ang aking Grade 6 na kapatid. Sa edad kong 22 sampung taon ang age gap namin ng aking kapatid at ang bunso si Jethro na 9 years old naman.
Ewan ba kay Mom and Dad bakit ganun kalaki Ang agwat namin ni Jonah. Sabi naman ng aking Lola nakunan daw kasi si Mom.
Hawak ko ang aking cp at nangingiti nahuli ako ni Jonah
Hay parang tanga nasabi ko sa sarili ko dahil ayoko sa lahat nahuhuli ng kapatid Kong babae ang nararamdaman to towards girls. Syempre kuya ako e.
Gusto ko yung ako si kuya na astigin at hindi hahahol sa chicks.Pero ang Dad ko mahal na mahal nya si Mom. At hindi nahihiya ang Dad na ipakita ang love and care nya kay Mom. Kaya lumaki rin kaming close na magkakapatid.
Anu kuya? Tulaley? at muntanga lang nakangisi kita tuloy dimples... Ngek nagpapacute ka ba? Sabay tingin si Joan sa labas ng bintana namin.
Wala naman tao dyan or magandang babae dyan sa labas. Sabi Jonah.
Wag ka nga maingay. Aga aga e bunganga mo ha.
E bakit kasi ganyan ka tulaley. Inlove ka na naman... Sumbong kita Kay Mom.
Sabay baba sa hagdan...
Arnie Garcia... Teka yun nga kaya ang true name nya Arnie. Uso kasi now Ang dalawa ang name.
Di bale magkikita din kami uli and asks her na lang.
Tuwing Lunes sya lumuluwas pabalik Manila diretso na sya sa office.
Gusto na nga nya hilahin ang araw na sana Monday na.
Sabado pa lang boy....
Anak... Napag isipan mo na ba yung sinasabi ni Pareng Roy.
Dad opo. E kung talagang maganda yung work sa agency ng anak nya itry ko po na makipagsapalaran.
Para sayo rin naman yun anak at sa mga kapatid mo malaking tulong yun. Lalo kay Jonah na malapit na mag high school.
Oo nga po Dad. Para po sa pamilya. Wag kayo mag alala Dad. Tutulong ako para hindi kayo masyado mahirapan.
Umaangkat ng bihon ang mga magulang ko at ito ay binebenta lang sa harap ng aming bahay. Sa amin na rin bumibili ang merong mga maliliit na canteen sa aming bayan dahil mas mura ang benta ni Mom at Dad dahil kung bumili naman sila ay maramihan.
Dad sa Lunes pupuntahan ko ho yung agency sa Malate. Aapply na po ako.
Tinapik ako ni Dad sa balikat. Alam ko malungkot din siya. Pero wala ako magagawa kailangan namin magtulungan para sa pamilya. Ofw din si Dad dati sa Saudi. Matapos ang 8 years mas pinili nyang umuwi na lang sa kagustuhan din ni Mommy dahil sa kalusugan ni Dad nagka-mild stroke si Dad sa Saudi at ng bumuti na sya mas pinili nya na umuwi na lang.
Tumunog ang cp ko. Bigla ako nagising sa pag-iisip.
Si Arnie nagtext...
Hi! Kumain ka na ba?
Bigla tuloy ako nakaramdam ng lungkot. Di pa man lumalaon ang pagkakakilala namin ay kung sinuwerte makaalis pala ako ay maiiwan ko si Arnie. Aba advance talaga ako mag-isip.
Hindi pa po. Kita tayo sa Monday. Pwede po ba?😊
Hmmm.. 3pm uwian ko pag Monday.
Okay kita tayo 3pm. Hintayin kita sa Gate ng school nyo.😊
Okay po.
Kung pwede lang hilahin ang araw... Sana Monday na....
Anak kain na tayo... Sabi ni Mom.
YOU ARE READING
IF YOU'RE NOT THE ONE
RandomJonas just met a girl... whom he really enjoy spending a little time with... Arnie just met a boy... and she believes that there is a reason why she met him suddenly. Just right now when she realizes it is time to let go of a man he loved for 4 yea...