Pumutok na ang panubigan ni Arnie.
M-mama!... tawag ni Arnie sya ay naliligo ng oras na yun..
Sumugod naman agad ang kanyang Mama..
Anak.. bakit?..
Umihi ako ng marami Ma...Aba.. baka pamutok na ang panubigan mo anak...
Dali ka lumabas ka na dyan sa banyo at magbihis ka na...
Tatawagan ko lang ang iyong OB-Gyne.
At narinig kong kausap ni Mama si Doctora Ramirez, ang aking Ob-gyne.
Heto anak kakausapin ka raw ni Doktora...
Hello.. Arnie.. anung pakiramdam mo ngayon?
Wala pa naman pong masakit Doktora.
Okay Iha...kailangan mong magpunta dito sa ospital para macheck kita.
Opo. Doktora sagot kong kinakabahan...
Pagkababa ko ng phone ay inayos ko na ang mga dadalhin mga gamit ng bata na nasa bag. Nakahanda na talaga iyon para sa panganganak ko...
Nang...Mama... Sumasakit na po ang tiyan ko at singit ko... Napaupo ako dahil sa sakit....
Teka anak tatawagin ko na ang Tiyo Manuel mo... Kapatid ni Mama.
Siya ang may sasakyan para ihatid kami sa Ospital.Pagdating nila sa Ospital ay dumiretso sila sa emergency room...
Tinanung sino ang Doktora ko.
Doktora Ramirez po.. sabi ko na hindi maipinta ang sakit sa mukha ko.
Tinawagan ng Nurse si Doktora Ramirez..
Ilang minuto lang at dumating na si Doktora.
Ina-ie nya ako...
Malapit ka ng manganak iha... 6 cm ka na.. maglakad lakad ka lng ng konti iha dun sa aisle at mamaya babalikan kita okey...O-opo Doktora... Sabi ko..
Kayang-kaya mo yan.. mukhang mabait ang anak mo hindi ka na pinahirapan.. Ang iba matagal na naglilabor inaabot ng isa o dalawang araw...
O-oo nga po Doc. Pag-ayon ko na lang.Apat na oras ang lumipas... Pwede na raw akong manganak... Nasa 8 cm na raw ako...
Nasa Delivery Room na ako...
Nilakasan ko ang loob ko... Kung kaya ng iba... Kaya ko rin.. Nagdasal na Rin ako na patnubayan ako ng Panginoon.
Ere!! Ayan na ang ulo... Mahabang ere iha... Ani Doktora...
At ako ay umere ng walang tigil at ubod ng lakas feeling ko yung kaluluwa ko humiwalay sa ere ko.
Hayan na... Isa pa iha... Isang ere pa wag kang hihinto...
At isang ere pa raw.... Sumunod ako dahil gusto ko na talaga makalabas si baby...
At sa pag-ere ko ng ubod lakas uli ay naramdaman kong parang may tubig uling lumabas kay bilis ng pangyayari at sabay narinig ko ang pag-iyak ng sanggol...
Napaiyak ako sa tuwa... Ganun pala ang pakiramdam... Totoo ang tears of joy... Hindi ko makakalimutan ang feeling na ito.
Babae ang anak mo Arnie.. at inilapag nila iyon sa aking ibabaw...
At saka rin nila inalis...
Pagkaraan ang isang oras itinabi na sa akin si baby... Nakaidlip din ako saglit.
At siya ay pina-suso ko na...
Pagkaraan ang tatlong araw nakauwi na kami sa bahay ni Lolo at Lola...
May mga kamag-anak na dumalaw...
Ang ganda ng baby mo Arnie.. Anu nga palang name nya...
Journey ang name nya... Nakangiting kong sabi sa pinsan kong si Belle.
Wow...hello Journey...
Ngunit tulog si Baby Journey.
Naririnig kong nag-uusap ang Lola ko at si Mama...
Anu na ang balak nyong mag-ina?
Nanay muli hong papasok si Arnie nitong 2nd Sem. Sabi ni Mama.
E sino ang mag-aalaga sa bata?
Ako ho.. para ko na rin hong bunsong anak ang bata Nanay.. sabi pa rin ni Mama.
O siya... Bahala na nga kayo... Kung ako lang ang masunod dito na lang mag-aral si Arnie para hindi na sila magkita ng lalakeng nakabuntis sa kanya...
Nanay... Wag po kayong mag-alala siguro naman napakalaking aral na ito sa apo nyo..
Saka Nanay... Napakaganda ng anak ni Arnie di ho ba?Aba oo maganda ang apo ko sabi ng Lola na umaayon sa sinabi ni Mama.
Arnie, anak... Ako na muna ang magbantay sa anak mo... Kumain ka na muna..
Opo Mama, Salamat po..
Ang ulam ay nilagang manok, kailangan daw yung masabaw para mabilis magkagatas ang suso ko.
Buti na lang at nagpalaki ng kakataying manok ang Lola at Lolo ko na nakalaan talaga para sa panganganak ko. Kaya ako'y bastante sa aking mga kinakain para mas maging malusog si Baby Journey.
Pagsapit ng ika-siyam na araw ko ay naligo ako ng mga dahon-dahon na intended sa panganganak...ganun sa Probinsya maraming nakaugalian na dapat sundin lalo na at dito ako nanganak. Sabi ng Mama ko ay maging sya ay ginawa rin iyon. Kaya yun din ang dapat kung gawin para manatiling malakas ang aking pangangatawan.
Tinititigan ko si baby Journey... Sya ay malusog na bata, maputi ito, makapal ang buhok na kulay itim, medyo singkitin... Kamukhang-kamukha ito ng kanyang ama...
YOU ARE READING
IF YOU'RE NOT THE ONE
RandomJonas just met a girl... whom he really enjoy spending a little time with... Arnie just met a boy... and she believes that there is a reason why she met him suddenly. Just right now when she realizes it is time to let go of a man he loved for 4 yea...