Love me tender, love me sweet

18 0 0
                                    

Tayo na ba? Lakas loob na tanung ni Jonas.

Sa totoo lang mahal ko na siya.. totoo ang sinabi nya na hindi sa tagal ng pagkakakilala yun kundi sa totoong nararamdaman. Ayoko na siyang pahirapan pa lalo na ang sarili ko.

Yes.. gusto rin kita. Medyo nahihiya kong sabi.

Dali-dali nyang hinawakan ang aking kamay at hinalikan ito.

Salamat sa pagtitiwala mo.. hindi magiging madali para sa atin ito pero mas pipiliin ko na hindi maging madali pero kasama naman kita.

My gosh his words are so sweet. At the age of 22 para na syang matanda kung mangusap.

Ahente ka nga talaga. Alam mo bentang-benta ka sa akin sabi ko na lang sa kanya.

Ihatid kita please.. para ma-meet ko na rin ang Mama mo?

Oo pero sa ibang araw na lang. Ayoko sya gulatin. Kasi kakabreak ko lang sa ex ko. Tapos now may bf na ako agad. Alam mo naman ang mga oldies naku baka makurot ako ni Mama sa singit.

Sige.. but promise me na ipapakilala mo ako sa Mama mo.

Oo naman po Mr. Mendez

Nakauwi na ko lahat-lahat sa bahay pero feeling ko nasa alapaap pa rin ako sobrang inspired ako.
Nalinis ko tuloy ang ilalim ng kama ko. Well dapat kong linisin dahil nandun sa box ang mga binigay ni Calvin. Mga stuff toy na maliit, meron ding medium at large size. Cards meron din. Mga monthsary cards. Sweet si Calvin. Ahead sya ng 2 years sa akin. Marunong sya sa basketball at ako naman ang Muse. Dun nag umpisa ang pagkakakilala namin second year high school pa lang ako noon.. at siya ay fourth year.

Natuto itong gumamit ng ipinagbabawal na gamot nung first year college na sya. At naamoy ko sya everytime sinusundo ako sa school noon. Pinagsabihan ko sya na itigil na iyon kundi magbbreak kami.
Sumunod naman sya sa akin. Siguro nga Mahal nya ako kaya napasunod ko sya.
Pero once pala talaga na matikman mo iyon ay hahanap hanapin mo. Kaya naulit uli yun ang pag-dadrugs nya.
Sa totoo lang umabot sa pinarehab sya ng parents nya at nakiusap sila na wag ko ibreak si Calvin para naman hindi daw ito mas lalo malugmok. Sige sabi ko bilang isang mabuting tao na gusto ko mapabuti si Calvin. Kaya hindi ako nakipagbreak kay Calvin habang nasa rehab siya.
Pero ang mga magulang ko gusto na nila ibreak ko si Calvin.

Anu ba yang nililinis mo dyan anak?

Yung mga gifts ni Calvin Ma. Hmmm saan ko kaya ito ibibigay Ma. Ayoko naman itapon baka kasi makita nya e.
Lagi kasi si Calvin tambay sa labas baka nga makita nya na na nasa basurahan.

Ipamigay na Lang sa mga pinsan mo sa probinsya anak sayang naman mga stuffed toys na yan.

Ah nice idea Mama, di ko naisip yun.

Talaga bang totoo na yan?

Po? Oo naman po Ma.

Ang ibig kong sabihin yang bagong bf mo?

Ma??? Panu nyo?? Di pa man natatapos magsalita..

Ako pa. Syempre anak kita alam ko kung kelan ka masaya at malungkot. Nararamdaman ko yun anak.

Kaya mo ba nililinis yan dahil gusto mo new beginning kumbaga. No excess baggage?

Ma? Feeling ko mabuting tao sya. Gusto nga po nya ma-meet kayo. Sabi ko next time na lang.

Aba anak seryoso nga yan. Ang lalake na gustong makilala ang magulang ng minamahal nya ay lubhang seryoso talaga. Iginagalang ka nya anak pag ganun.

Sana nga po Ma. At niyakap ko ang Mama ko.

Habang ako ay nasa kama at nagmumuni-muni pilit kong binabalikan ang usapan namin kanina sa coffeeshop.

Memory is the treasure house of the mind
Wherein the monuments thereof are kept and preserved- Thomas Fuller.

IF YOU'RE NOT THE ONEWhere stories live. Discover now