Lumipas..
Ang buong buwan ng February... Nakakaramdam na siya ng paglilihi.. nasusuka sya pag nakakaamoy ng pabango parang umiikot talaga ang pakiramdam nya...Si Mariska lang ang nakakaalam.. Hindi talaga dapat malaman dahil makikick-out sya sa school...
Itinago nilang dalawa iyon... Maasahan talaga si Mariska..binilang na nya sa kanyang daliri kung kelan sya maaaring manganak...
September sya manganganak.. tamang-tama na hihinto muna sya ng First-Sem. At maaring pumasok uli sya ng Second Sem. Iyon ay kung pag-aralin pa sya ng magulang nya...Napag-usapan namin ni Mariska na umamin na ako sa magulang ko... Natatakot ako... Pero sila rin naman ang makakatulong sa akin... At mga magulang ko sila..
Pag-uwi ko sa bahay... Hinanap ko si Mama...sumasideline kasi itong maglako ng embutido marami ng parokyano ito dahil masarap talaga ang embutido ni Mama.
Hindi pa pala ito nakakauwi.
Himala nasa bahay itong si Jared..
Marahil kararating lang din nito galing school.Jared? Kelan uuwi si Tito Miguel dito...
Di ko po alam ate e....
Tanungin mo na lang si Mama.Speaking of Mama... Andito na sya..
Tinitignan ko si Mama habang papalapit...
Arnie napanu ka?
H-ha?
Nakatitig ka sa akin walang kakurap-kurap...
May problema ba nak?..Wala po Mama...
Ah Ma... Kumain na po tayo... Meron ka na palang iniwan dito na ulam bago ka umalis e. Iprito ko lang ha Ma saglit. Embutido yun. Pag gumawa ang Mama nya nag-iiwan talaga ito ng para sa kanila.O sige anak. Para makakain na tayo...
Agad kong niluto ang embutido... Buti na lang hindi ako nahihilo ngayon.
Tapos
Na silang kumain ng hapunan...
Ma.. pwede po bang dito tayo sa kwarto...
Aya ko kay Mama... Katatapos ko magligpit ng mga pinagkainan namin..Nakasunod na si Mama sa akin... Pagsarado ko ng pinto...
Arnie buntis ka ba???
Shock ako... Si Mama na ang nagtanung..
Hindi ako makapagsalita napaiyak na ako...
Ilang buwan na?
Magtatatlong buwan po Ma... Sa pagitan ng luha at hikbi...Naku... Bata ka..
Si Jonas ba???
Tinitimpi ni Mama ang magtaas ng boses...
Opo sya po...
O eh.. Alam na ba nya...
Hindi pa po dahil hindi pa siya nagtetext sa akin.
Aba e.. eh di magtext ka sa kanya..Nagtetext po ako wala pong reply Ma. Kahit tawagan ko iyong number nya wala rin po e...
Di ko po alam kung anu nangyari sa kanya...Aba bata ka panu ka na nyan...
Mama... Hindi ko po ipapalaglag ang bata..
Aba? Bakit sinabi ko bang ipalaglag mo?
Kasalanan iyon anak. Kasalanan na nga iyang ginawa mo. Dadagdagan mo pa ng isang kasalanan?...
Anak kahit naman na ganito lang ang buhay natin... Itataguyod natin yan..
Apo ko iyan..Napaiyak n talaga ako.. napakabait ng Mama ko... Panu ko nagawa sa kanila ito. Ang bigyan pa sila ng alalahanin.
I'm very sorry Ma... Pinagsisisihan ko mga nagawa ko Ma.
Shhhh.. Tama na anak. Alam kong magiging tsismis ka rito anak kaya umuwi ka na lang muna sa Ilo-ilo kila Tito Miguel mo.
M-ma...
Kung dun na lang kila Lolo at Lola sa Nueva Ecija...
Dun mo ba gusto?
Opo Ma.. mas gusto ko run Ma.Tatawagan ko ang Ama mo... Sya ang may kasalanan nito dahil dun mo nakilala ang lalakeng yun sa bahay nila.
Ma... Wala pong kasalanan si Papa.
Sasabihin ko sa kanya na hihinto ka muna at pagkapanganak mo ikaw magpapatuloy.
Maraming Salamat Ma. At pinagtitiwalaan nyo pa rin akong magpatuloy ng pag-aaral...
Aba syempre... Panu na ang anak mo kung dika makatapos anak?...
Napayakap ako kay Mama...
Humanda kang Jonas ka! Bakit mo ko binabalewala...
YOU ARE READING
IF YOU'RE NOT THE ONE
RandomJonas just met a girl... whom he really enjoy spending a little time with... Arnie just met a boy... and she believes that there is a reason why she met him suddenly. Just right now when she realizes it is time to let go of a man he loved for 4 yea...