life is not a matter of chance it is a matter of choice II

28 0 0
                                    

On Jonas Part

Simpleng ganda pero nakaka-hooked yun ang naramdaman ko. Kanina nung pagpasok ko sa pintuan nakita ko na agad ang babaeng pumukaw ng atensyon ko. Nakita ko na yung picture nun nung una kaming pumunta sa house ng kliyente kanina. Pangalawang punta sakto andun sya. Di sana kami babalik dun e. Kaso may kung anung pwersa ang nagtulak sa akin para lakarin ang daan papunta uli sa lugar na yun.

Actually hindi naman ako nagbalik dun para sa babae sa picture kundi para makabenta. Sakto lang andun yung nasa picture. Kaya Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa na malaman ang number nya.

Kanina nung nagtext ako at walang sagot agad... Kako baka nagalit dahil kinuha ko number nya sa ganung manner. Pero ganun talaga ang panahon ngayon e. Imposibleng bago lang yun kay Arnie ang ganung way.

Mmmmm.. hi hindi pa ako nakauwi. Text kita pag uwi ko..

Yang ganyang klaseng text. Hindi namn siguro galit. Mukhang may pag-asa

Sa ganda ni Arnie impossible na walang bf yun.

Pero kahit na may bf sya. Hindi pa naman asawa e.

Panu ka nakakasiguro Wala? Nakakalokong sabi ng utak ko.
Wala naman siguro 2nd year college pa lang sya e.

Kanina pa ako sa boarding haus nag aabang ng text ni Arnie.

Nakatatlo naman na ako gf. Pero iba talaga ang tama ko kay Arnie. Sobrang lakas ng tama.

Tumunog ang aking cp.
Si Mommy pala. Kelan ka uwi anak?

Sinagot ko xa.  Mamaya po ako luluwas Mom.

Malapit lang naman ang Calumpit. Kaya pwede naman mamayang mga 8pm ako lumuwas katabi ko lng ang terminal.

May message uli.
House na ako. Kararating ko lang. San ka now?

Si Arnie. 5pm sakto house na sya.

Dito po boarding house. Wait ng text mo. 😊

Boarding? Meaning hindi ka taga rito sa Manila? Saan Province mo po?

Calumpit po ako. Mamaya ako luluwas.

Ah okay. Mag ingat ka po mamaya. Gawa lang ako assignment ko.

Take your time po. Text kita kapag nasa Calumpit na ako.

Nakakatuwa naman parang matagal na kami magkakilala. Napakacasual lng ng palitan namin ng texts.

Konting oras na lang at gagayak na ako. Bilis talaga ng oras sa Manila.

Miss ko na rin sila Mom at Dad at mga kapatid ko. Sila talaga inspirasyon ko. Ang hopefully si Arnie. Hope and Pray.

Ignacio! Nagtext na si Jonas nasa terminal na sya. Sunduin mo na.

O siya sabihin mo na paalis na ko at hintayin nya na ako dun.

Mga Ilang minuto...

O kamusta ang byahe anak.  Marami ka ba kasabay na lumuwas.

Medyo Dad. Hindi na sana kayo sumundo. Andyan naman si Carlo sa pila barkada ko.

E buti na Hindi ka na mamasahe.

Wala tuloy kita si Carlo Dad. Nakangiting sabi ko.

Sa Bahay.

Kaawaan ka ng Diyos anak. Kumusta naman byahe.

Okay Mom. Gutom na ako.

Pinainit ko na ang tinola sige kumain ka na.

Tulog na po mga kapatid ko?

Ay katutulog lang mag 11 na e.

Habang kumakain ako naisip ko itext si Arnie.

Miss Arnie. Dito na po ako Calumpit.
Tulog ka na siguro. Sweet dreams.

Medyo pahinga lng ako at itutulog ko na rin. Marami pa gawain bukas.

Arnie's Part

Hindi pa ako tulog. Well sa lugar nmin mahirap makatulog ng maaga dito.

Miss Arnie. Dito na po ako Calumpit.
Tulog ka na siguro. Sweet dreams.

Text ni Jonas...

Hindi ko na sinagot baka sabihin e nagaabang ako ng text. Totoo naman.

Kakaalis lng ni Calvin. At nakikipagbreak ako sa knya. Masama luob nya sa akin.

Ganun ko nlng daw ba itapon ang 4 years??

Siguro may ipinagmamalaki na raw ako.

Ilang beses na ako niloko ni Calvin. Tapos na siguro ang martyr days. Naumtog na ako. Big part si Jonas sa nangyayaring Ito. Pero Hindi naman nanliligaw si Jonas.

Sasagutin ko ba? Agad- agad??

Natatawa na lng ako.

How could I be so insensitive when someone was hurting a while ago.

Ganito lang siguro talaga yung ma-fall out of love?

Jonas... Jonas... Apelyido??

Well we have to know each other first.

Kinabukasan.

Nakatulog naman ako. Medyo hilo lang. Di ko sure what time ako nakatulog.

May nagtext!

Good morning! How was your sleep?

Hi! Kagigising ko lang. Good morning too.
Sent...

Textmate na talaga kami. Wait nakalimutan ko pala tanungin surname nya.

Anu pala ang surname mo?
Garcia surname ko. Ayan sinabi ko na ang surname ko para sabihin nya agad ang kanya.

Mendez po.😊

Hilig nya sa emoticon at ako ay napahagikgik

Anak!! Gising ka na? Aba sino ang kasama mo dyan sa kwarto at kung makahagikgik ka? Ang Mama ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko... May nagtext lang po Ma. At nakakaaliw kasi siya.

At tinignan lang ako ng Mama ko.
That kind of look na binabasa ang mukha ko na parang may nakasulat naman sa aking mukha.

Ma.. Hindi po si Calvin yun. May nakilala ako Ma. Sa mismong house ni Papa.

And nakikipagbreak na po ako kay Calvin.

Buti naman... Ayoko sa Calvin na un walang magandang future kay Calvin. Tamad mag-aral. Graduate na sana yun diba? Anu nangyari?

Ewan ko Ma. Kaya naman sya pag aralin ng Ate nya willing to help naman sya.

Di ko na sinabi kay Mama na napapansin ko kay Calvin na totoo yatang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Well baka alam na rin ni Mama. Mabilis ang balita marami ang tsismosa dito sa lugar namin.

Tinanggap naman ba ni Calvin?

Basta po sa akin. Wala na kami. Nasabi ko na sa kanya yun and that's final.

IF YOU'RE NOT THE ONEWhere stories live. Discover now