One week ago ay pinagsaluhan nila ang kanilang pagmamahalan ng walang alinlangan.. Di na nga nila pinag-usapan iyon basta after nun mas naging close silang dalawa at mas lumalim ang kanilang pagtingin sa isa't-isa...
Dumating na ang araw na kinatatakutan niya ang malayo kay Jonas ng tatlong taon at kung mamalasin pa ay baka maging apat na taon.
Batid nya na malaking tulong iyon sa pamilya ng boyfriend nya kaya sino ba siya para pigilan ito. Charity begins at home wika nga. Family first.
Sumama sya sa paghatid sa airport.
Pangalawang beses nya na ring meeting ito sa Mommy at Daddy ni Jonas.Mugto ang kanyang mata kaya't siya ay naka-shades ng araw na iyon. Magkahawak kamay sila ni Jonas.
Anak.. ang mga gamot mo ha wag mong iwawala para meron kang maiinum agad pag nagkasakit ka dun. Ani Mommy nya.
Wag kang gagawa ng hindi maganda dun anak para naman hindi iiyak si Arnie.. bawal mambabae dun anak pugot ulo ka.. ani Daddy nya.
Hinding-hindi po Dad.. sagot ni Jonas.. sabay pisil naman niya sa aking kamay.
Ingat ka dun ha.. mamimiss kita yun lang ang tangi kong sagot sa kanya.
At narinig nilang tinatawag na ang lahat ng passenger sa flight na iyon..
Nagpaalam na si Jonas. Humalik sya sa Mommy at Daddy nya. At huli humalik sya sa akin. At bumulong ng...
I love you... Babalikan Kita...
Napaiyak na ko di ko mapigilan...
Hanggang sa pinanuod ko nlng sya sa kanyang pagtalikod at paglalakad palayo sa amin...
Anak... Tayo na... Sabi ng kanyang mga magulang sa akin...
Ako'y napangiti at inalis ang shades para ipakita ang paggalang ko sa kanila. Anak na ang turing nila sa akin.
Umalis na kami sa lugar na iyon...
Lulan ang sasakyan na sedan na hiniram ng Daddy nya sya kamag-anak nila sa Calumpit.Saan ka ba bababa iha...
At sinabi ko ang street na aking bababaan. Para di na sila maabala at gagabihin sila sa daan.Mag-ingat ka iha... Ani Mommy ni Jonas.
Kayo din po Tita at Tito.. ingat po kayo sa byahe.
At ako ay bumaba na sa sasakyan.
Samantala after 2 days ay nakareceive ako ng text..
Mahal ko kumusta ka na dyan? Pasensya ka na ngayon lang ako nagtext hindi pa kasi ako nakabili ng sim card ko. Eto nakitext lang ako. I love you and miss you.. Jonas.
Agad din akong sumagot..
Mahal ko okey naman ako. Malapit na final exam kaya medyo busy din. Lagi ka mag-ingat dyan. I love you...
Sa bawat araw na lumipas tanging texts sa cellphone lang ang kanilang way of communication...
Anu kumusta naman kayo ni Jonas? ani Mariska.. Isang araw habang sila ay naglulunch sa school canteen.
Okay naman kami.. minsan nagtetext sya.. okay lang daw sya.. namimiss na raw nya ako...
Wow... Sa tingin mo kaya... Sya na makakatuluyan mo? Tanung ni Mariska ...
Hindi ko alam pero lagi nya sinasabi sa akin hope and pray daw...
Hahaha ang cute... Well talaga namang ipinagdarasal yun Arnie..
Alam mo yun din ang ipinagdarasal ko ang makatagpo ng tamang lalake para sa akin... Nakangiti si Mariska...Hmmmm tayo na nga malilate na tayo... Ilang araw na lang Christmas break na...
Sya tara....
At inayos na ang kanilang gamit para sila ay pumasok na.
YOU ARE READING
IF YOU'RE NOT THE ONE
RandomJonas just met a girl... whom he really enjoy spending a little time with... Arnie just met a boy... and she believes that there is a reason why she met him suddenly. Just right now when she realizes it is time to let go of a man he loved for 4 yea...