Torn

10 0 0
                                    

Natapos ko ang second semestral sa tulong ni Mama at Papa.. Nanatiling lihim kung bakit ako huminto ng sumunod na school year...Tanging si Mariska lang ang nakakaalam...

Gaya ng napag-usapan umuwi ako dito sa Gapan, Nueva Ecija. Lugar ni Mama. Ang Lolo Loreto at Lola Isay ko ang narito.. sa kanila ako tumuloy...

Kahit na ako ay usap-usapan sa lugar na iyon lalo na ang aking mga kamag-anak na matatabil ang dila... Hindi maiwasan sapagkat ako ay disgrasyada nga.. tinanggap ko iyon lahat...

At sa bawat masasakit n salita na naririnig ko mas lalo akong nakakaramdam ng galit kay Jonas...

Alam ko naman ang daan papunta sa kanila pero di na ko nag-aksaya ng panahon sapagkat alam kong marami syang responsibilidad sa kanila. Hindi ako ang uunahin nila. Baka palayasin pa nila ako..

Hayaan mo na mga kamag-anak mo na pintasera at pintasero... Mga hmmmmp kc itsura nila walang mangbubuntis sa kanila...

Hoy marinig ka hahaha...
Ayan tumawa ka rin...
Si Mariska tuwing Sabado nagpupunta sya dito sa Nueva Ecija.
May sasakyan na ito... Nurse kasi sa ibang bansa ang ate nya. Kaya nabilihan si Mariska ng bagong sasakyan.. regalo nung 18th bday nya.. nung March. Nakadalo pako dahil Hindi pa naman halata tiyan ko that time. Yun ang huling kita ko sa ibang barkada namin.

Isa itong Toyota Vios na color red. Pang service daw talaga ni Mariska sa school.

Sayang naman girl kung kelan may car na ako saka pa nangyari yan nakaturo sya sa malaki ko ng tyan.  Tuloy pagtapos ng klase ko diretso uwi na ako..

Pwede naman kayo gumala ng ibang barkada ah...

Hay naku... Wala akong gana kung hindi ikaw ang kasama girl...

Ganun ba?? Salamat ha for being a friend..
Aba! Bestfriend hindi lang friend ha...

Hahahaha.. thank you Bestie...

Next time na punta ko rito... Magdadala na ko ng crib hahaha..

Hala... Excited ka masyado girl...

Ninang ako okey?...

Sure naman ikaw pa.  Nangunguna ka pa sa listahan noh!..

Naka-alis na si Mariska sa lugar namin...
Hapon ito umaalis. Para hindi masydong magabihan... Taga-Valenzuela ito...

Kinabukasan...

Arnie may bisita ka...

Pooo... Sino daw po Lola?

Lalake.. nakalimutan ko na ang pangalan... Kasasabi lang e... Nalimot ko na agad.

Lumabas ako ng kwarto... Andun daw sya sa porch...

C-Calvin???

Hi! Nakangin sya sa tiyan ko at lumipat tingin nya sa mukha ko.

Anung ginagawa mo dito. Sinong ngsabi sayo na nandito ako?

Wag kang magalit sa Mama mo.. siya ang nagsabi sa akin... Gusto kitang kumustahin..

Si Calvin 4 years ko siyang naging boyfriend pero kahit minsan wala pang nangyari sa amin..

Nahihiya ako sa kanya. Kakakilala ko pa lang kay Jonas pero ang bilis kong naipagkaluob ang sarili ko sa kanya.

Kumusta ka naman na??

Eto... Hindi mo ba nakikita? Medyo mataray kong sagot.

Alam ba ng boyfriend mo ang kalagayan mo?

Wag na natin syang pag-usapan..

Okey...

Katahimikan...

A-arnie... Nag-aaral na ako ngayon...

Tumingin ako sa kanya.. tumaas ang dalawang kilay ko...

Buti naman...

Second year na ito sa kursong Criminology...

Nakakatawa pero drug-addict ito dati.

Wag mo naman akong tignan ng ganyan... Ani Calvin..

Kung hindi ka sana huminto... Graduate ka na noh... Sabi ko.

Ayaw mo nun... Baka sabay pa tayong makagraduate nyan... Biro nya sa akin..

Huh!? Hindi nakakatawa...

Eto naman hindi na mabiro...

Bakit ka nga ba nagpunta dito Calvin? Hindi sasabihin ni Mama ang address dito kung hindi importante ang sadya mo.

Actually kinausap ko ang Mama mo. Gusto kitang balikan Arnie..

Whaat??? Ako gusto mong balikan?
Ako ang nakipagbreak sayo remember?? Nanlalaki na ang mata ko.

Or should I say... Makipagbalikan...

Ayusin mo kasi...

Promise na pag-iigihan ko na ang buhay at pag-aaral ko Arnie. Para sayo at para sa bata..

Whaat? Wag mo isama ang anak ko okey...

Arnie...gusto kong panagutan ang batang dinadala mo. Mahal kita at mamahalin ko rin siya.

Nandidiri ako sa sinasabi nya...
Di ko ma-take talaga...

Please lang Calvin. Maraming babae Calvin.. kalimutan mo na ako. I don't deserved you.
Ayokong ipaako sayo ang bata.

Maraming dalaga Calvin... Wag ako isang disgrasyada..

Arnie... Tanggap ka ng mga magulang ko.. sinabi ko sa kanila ang mga plano ko...

Calvin...

Alam kong umoo sila kay Calvin para lang siguro magpursige si Calvin..

Calvin kung aayusin mo ang buhay wag ako ang idahilan mo please. Do this because you want it for yourself. Not because of someone else...

Arnie... Ikaw lang ang gusto ko alam mo iyan...

Mula high school pa tayo... You were a sophomore and I was in my senior years.. tayo na... We have known each other for long.

Yes Calvin... Akala ko kilala na kita... Pero hindi pala...

Gusto kong itama ang mga mali ko. Give me a chance please.

I promise you magbabago na ako... Sabi ni Calvin.

Naghiwalay kami ni Calvin ng araw na iyon na walang maayos na usapan, sya lang ang naghayag ng kanyang damdamin.

Hindi ko sya sinagot... Marahil ay si Jonas pa rin ang laman ng aking puso.

Si Jonas na ni isang text ay wala na akong narinig. Subalit ako ay umaasa pa rin siguro ay nagkaproblema sya dun. Pero sapat na na iyon para hindi sya magparamdam sa akin?
Nakahanap na ba sya ng iba dahil sa mahirap ang LDR?
O talagang focus lang sya sa work nya at hindi nya ako priority?
Maraming tanung sa aking utak....
Na tanging si Jonas ang makakasagot.




IF YOU'RE NOT THE ONEWhere stories live. Discover now