09

623 31 4
                                    

Elisse

Lumipas ang isang linggo, I'm on my way to school kasi graduation picture na namin.

Isang linggo na rin pala yung nakalipas nung huli kong nakita si Sandro, he keeps on calling and messaging me but I'm always declining it. Hindi naman sa mataas ang pride 'ko pero kasi naiinis pa din ako, pakiramdam 'ko hindi naman talaga siya seryoso sakin, mag kaibang mag kaiba yung mundo namin ngayon kesa dati,  ang tanga 'ko lang kasi umaasa 'ko kahit alam kong impossibile. 

Pagdating 'ko sa school ay busy ang lahat sa pag hahanda at pag aayos.

"Guys, punta na daw tayo sa hall para maayusan na tayo." Rinig kong sigaw ni Billy sa lahat.

"Elisse, kamusta ka na?" Tanong ni Vincent, Shayne at Gwyneth.

"Tatlong araw kang wala last week since nung kumain tayo sa labas, what happened to you?" Nag-aalalang tanong nila sakin.

"Nag kasakit kasi ako, kaya 'di muna 'ko pumasok, wala naman masyadong pinagawa last week diba puro discussion lang?" Sagot 'ko sakanila.

Tumungo naman sila. "Okay ka na ba talaga?" Tanong naman nila.

"Oo, thank you tara na sa hall." Aya 'ko naman sakanila.

"Punta muna tayo canteen bago dumiretso do'n, wala kasi akong baon eh." Singit naman ni Shayne.

"Girl ang daming tao." Wika 'ko kay Shayne ng makarating kami ng canteen halos lahat kasi ng stall ay madaming bumibili.

"Sa isang canteen na lang tayo bumili mas konti ang tao do'n kesa dito." Suggestion maman ni Vinny.

Papunta na sana kami ng canteen nung makasalubong namin si sir luke.

"Good morning sir!" Bati namin sakaniya and he greeted us back tapos nabaling naman yung tingin niya sakin.

"Elisse, kamusta? Okay ka na ba, buti nakapasok ka today." Baling niya naman sakin

Ngumiti ako at tumungo bilang sagot. "Thank you po sir." Wika 'ko pa.

"Sige, punta na kayo do'n dahil malapit na mag start." Wika nito bago kami iwan.

"Opo sir, may bibilhin lang po kami sa canteen." Sagot naman ni Shayne.

Buti na lang at konti lang ang tao sa canteen at mabilis kami naka bili ng pagkain, pag dating namin sa hall ay nandon na ang karamihan saamin.

"Audrey! Inaayusan na sila?" Bungad ni Shayne sa isa naming classmate.

"Oo, 'yung iba next next daw, upo na kayo dito para kayo na din next ayusan." Wika nito samin.

"Mauuna ba ang toga picture kesa sa creative shot." Tanong naman ni Vincent out of nowhere.

"Oo tapos last yung class picture pero ang alam ko ay uunahin nila ang class picture then last na yung creative shot." Sagot naman ni Audrey kay Vincent.

"Elisse, ikaw na daw next aayusan." Wika ni sir luke na busy mag assist ng students.

"Hello." Bati 'ko do'n sa nag ma-make up sakin tapos ngitian niya 'ko.

"Ano ba gusto mo style ng buhok nakatali, straight or kulot tapos nakalugay." Tanong niya sakin habang inaayos yung buhok 'ko.

"Pa-curl na lang po:" Tipid kong sagot sakaniya.

"Oh sige akong bahala sa'yo, aayusan kita ng bongga." Wika pa nito.

Natawa na lang ako sa sinabi niya at nag umpisa na siyang ayusan ako, in fairness naman sa make up niya nagustuhan 'ko dahil ang galing 'di masyadong makapal 'yung make up niya pero maganda, magaling siya mag make up and light lang lahat except sa lips na sabi ko ay gusto yung dusty rose na shade ng lipstick ang ilagay sakin, actually meron akong sariling lipstick so ayun na lang 'yung pinalagay 'ko, favorite 'ko din talaga 'yung dusty rose na shade eh.

Everything Has Changed: (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon