13

553 27 6
                                    

Elisse

It's been 2 days since the last time I saw Sandro, after nung date namin hindi 'ko na siya masyadong nakikita dahil ang sabi niya magiging busy siya sa work pero madalas 'ko pa din naman siyang nakakausap via message or video call.

Nandito ako sa library ngayon waiting sa next class 'ko habang 'yung mga kaibigan 'ko naman ay nagpaalam na may bibilhin lang daw sila sa may department store malapit sa school, buti nga at pinapayagan kaming lumabas every vacant namin. Haist! Sobra talaga 'kong inaantok gusto kong matulog huhu.

Naramdaman kong nag-ring yung phone 'ko naka-silent mode siya kasi nasa library ako and I saw Sandro messaged me.

"I miss you, I wanna see you na." He said via text message, I smile while reading his message.

"Ang clingy mo naman." I sent my reply.

"I'm just being honest and you know I can't any longer, I wanna see you so bad! Sunduin kita later, I'll drive you home." He replied back.

"Aw, you're so sweet! Okay, I'll wait for you later, ingat sa pag-drive ha? See you." I sent.

I was about to fall asleep while waiting for Sandro's response nung bigla kong narinig 'yung boses ni Audrey.

"Teh, kanina pa kita hinahanap." Bungad ni Audrey nung makita niya 'ko sabay tapik sa braso 'ko.

"Bakit, may problema ba?" Tanong 'ko naman sakaniya.

"Kanina ka pa hinahanap ni Sir Luke, nasa guidance office." Sagot naman niya.

"Bakit daw?" Tanong 'ko pa.

"Hindi 'ko alam eh basta punta ka na lang daw." She said bago siya lumabas.

Papunta pa lang ako ng guidance office ay
nakasalubong 'ko na 'yung mga kaibigan 'ko na pabalik na sa library.

"Elisse, saan ka pupunta?" Tanong ni Vincent.

"Sa guidance." Tipid kong sagot sakanila.

"Balik, may inaway ka ba?! Omg Girl!" Reaksyon naman ni Gwyneth.

"Ang OA teh, pinapatawag lang daw kasi ako ni Sir Luke." Paliwanag 'ko naman sakanila.

"Pagdating namin sa guidance ay pansin 'kong madaming tao sa loob kaya kumatok muna 'ko bago pumasok.

"Sir, pinapatawag niyo daw po ako?" Tanong 'ko kay Sir Luke na nakaupo sa table niya.

"Yes, can you tour them." Wika nito sabay turo sa mga bisitang naka upo sa may couch.

"Binaling 'ko yung tingin 'ko sakanila. "Sila?." Tanong 'ko sabay turo sa mga kaibigan niya na.. kaibigan din ni Sandro.

"Wala bang iba?" Rinig kong reklamo ni Almia.

"Why Almia, do you have any problems with Elisse?" Baling naman ni Sir Luke sakaniya.

I saw Frances sitting beside Almia, nakauwi na pala siya ulit dito sa pilipinas.

"Ah, Sir puwede po bang isama 'yung mga kaibigan 'ko?" Nag-aalangang tanong 'ko naman kay Sir Luke.

Oo naman, thanks Elisse." Wika pa ni Sir Luke.

"Lumabas na kami at nagsimula na kaming mag-ikot, eto namang si Shayne at Gwyneth sinisiko ako at kinukulit.

Girl, sila ba 'yung mga kaibigan ni Sandro na sinasabi mo?" Pabulong na tanong naman ni Shayne sakin sabay tingin kina Almia.

Napataas naman yung kilay 'ko sa tanong niya. "O..oo, paano mo naman nalaman?" Tanong 'ko sakanila.

"Kinuwento samin ni Vinny, na kuwento din kasi sakaniya ng kuya niya." Paliwanag naman ni Shayne.

"Excuse me, may pinag uusapan ba kayo diyan?"
Mataray na tanong ni Almia paglingon niya sa gawi namin.

"Tsimosa." Rinig kong bulong ni Shayne.

"Nothing, let's proceed to the 3rd building:" Aya 'ko sakanila.

"Bakit ba kasi kayo pa 'yung nag tour samin dito?" Rinig 'kong reklamo ni Frances.

"No one forced you to go here and for your information, hindi din naman gusto 'to so if you are comfortable around us then the feeling is all mutual." Giit ni Vinny kina Frances.

"Vincent, it's fine to be with you but to be with these cheap girls." Baling ni Almia samin and she rolled her eyes on us.

"Cheap? Are you even aware of what you are saying, kung ayaw mo sa mga kaibigan 'ko at kung ayaw mo dito feel free to leave, no one is stopping you." Bakas sa tono ng boses ni Vinny 'yung inis.

"Hoy! Anong sinabi mo, kami cheap?" Inis na wika ni Shayne.

"Guys that's enough!" Saway 'ko naman sakanila.

"First, don't make a scene here nakakahihiya. Second, if you don't like us or you can't even respect the people and the surroundings better leave, ayaw naman namin ng gulo kaya please lang matatapos din 'tong tour and after that you can go." I tried to calm myself and politely said those things to them.

"At sino ka para paalisin kami dito?" Sigaw naman ni Frances sakin.

"All I'm trying to say is kung ayaw niyo dito feel free to go pero kung ayaw mo sige, kami na lang ang mag-aadjust." Kalmadong wika 'ko sakanila, tatalikod na sana 'ko nung narinig 'ko si Almia na nagsalita.

"You know what, hindi naman kayo bagay ni Sandro pero bakit pinagpipilitan mo pa? You are nothing compared to us or even to Frances." Rinig 'ko pang wika ni Almia na medyo kina-inis 'ko kaya nilingon 'ko ulit sila.

Pagkatapos 'ko siyang balingan ng tingin ay hinayaan 'ko na lang sila at naglakad ako papalayo pero bago pa 'ko makalayo ay hinila na 'ko ni Frances pabalik.

"Kinakausap pa kita." Wika pa niya pero sinubukan siyang pigilan ni Vinny at nila Shayne.

"Baka naman kasi ayaw niya lang talaga marinig yung totoo." Singit naman ni Almia.

"Tigilan niyo na nga 'yung kaibigan namin." Sigaw naman ni Gwyneth sakanila pero hindi nagpatinag si Almia at Frances.

"Tigilan, inaagaw niya sakin si Sandro." Sogaw ni Frances, she was about to slap me but someone stopped her.. and it was... Sandro!

"I was never been yours, kaya puwede ba tigilan mo 'yung girlfriend 'ko." Wika ni Sandro na kinagulat naming lahat pati na din ni Vinny.

"Sandro." Gulat na wika ni Frances nung makita niya si Sandro.

"Ano bang mahirap intindihin sa HINDI KITA GUSTO, you wanna know why?" He asked calmly.

"Dahil diyan sa ugali mo." He added and I can say by the tone of his voice na galit siya.

Pagkatapos no'n ay hinila 'ko palayo ni Sandro mula sakanila, I heard Frances keep on screaming Sandro's name but he didn't bothered to look back, while my friends are left confused.

He took a deep sigh and look at me. "I'm sorry." He said.

"No, I should be the one to say sorry hindi 'ko na dapat sila pinatulan." Wika 'ko naman sakaniya.

"You don't have to, sila 'yung mali." Katwiran pa ni Sandro.

"Huwag mo ng masyadong isipin 'yung mga sinabi nila. Wika niya pa sabay yakap sakin.

"Mabuti pa nga kausapin mo sila Sandro, ayoko nang dahil sakin ay basta basta na lang masira 'yung mga pinagsamahan at mas lalong ayoko nang maging komplikado ang lahat." Wika 'ko sakaniya habang nakayakap pa din kami sa isa't isa.

"Tungkol nga pala do'n sa sinabi mo, bakit mo naman ginawa yo'n?" Nag aalangang tanong 'ko sakaniya.

"Ah, sorry but I did that to stop them not unless you want to make it official.. Mm.." He said and smile at me na parang nahihiya siya.

Everything Has Changed: (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon