[PROLOGUE]
"Sir KD, mag-iingat ka! Intayin mo ko! Malalagot ako sa mommy at daddy mo kapag nawala ka!" tawag ni manang Lusing sa kaniyang alaga habang hinahabol dahil hindi ito matigil sa kakatakbo.
"Faster, manang" tumatawang tugon ng bata, hindi alintana ang pagod dahil sa kakatakbo.
Edad limampu't siyam na ang matanda at hindi na niya kaya pang tumakbo dala na ng pasumpong sumpong niyang rauma at dahil na rin sa katandaan. Hindi na siya nasanay sa halos linggo-linggo nila sa parke ay tanging habulan lang ang kanilang ginagawa na siya ring gustong gusto ng bata at labis niyang ikinatutuwa dahil ni minsan ay hindi siya nito maabutan.
Palaging nasa trabaho ang mga magulang ng bata kung kaya't nagpapasya si manang Lusing na dalhin ito sa parke para makapaglibang naman ito kapag papaano.
Nag-iisa lamang na anak ang kanyang alaga. Walong taong gulang pa lang ito ngunit makikita mo kaagad na dumadaloy ang kanyang pagiging isang gwapong binata paglaki. Ngunit kahit bata pa lang ay likas na pilyo na ito at tuwang tuwang palagi kapag hinahabol siya ng kanyang yaya. Sa halos linggo-linggo nila sa parke ay tanging habulan na lang ang kanilang nagagawa.
Isang buwan pa lang ang nakararaan simula ng makauwi sila sa Pilipinas. Sa Pilipinas siya ipinanganak ngunit nagtungo sila ng kanyang mommy sa ibang bansa para asikasuhin ang trabahong naiwan doon.
Matagal na nilang katulong si manang Lusing, kakakasal pa lamang ng kanyang amo ay naninilbihan na siya rito. Mayroon siyang isang anak na ngayon ay isa nang ganap na guro. Mayroon na din itong anak, na siyang apo niya.
Maraming tao sa parke dahil araw ng linggo. Takbo lang ng takbo ang batang si KD, hindi alintana ang pagod at ang mga taong nasa kaniyang harapan. Palingon lingon siya sa likuran upang makita ang kung andyan na ba ang kanyang yaya. Hindi niya napansin na may bata sa kanyang harapan kung kaya't nabangga siya rito at parehas silang bumagsak sa lupa.
Agad na umiyak ang batang babae dahil nagkaroon siya ng gasgas sa tuhod at dumugo ito. Bumangon si KD at umupo para tignan ang nabunggo niyang bata dahil umiyak ito, pero tumayo siya agad ng marinig niya ang sigaw ng yaya niya at akmang tatakbo na ito ulit ng tawagin siya ng batang babae.
"H-hey! Isu-sumbong ki-ta sa Mom-my ko" sambit ng batang babae habang hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak.
Lumingon si KD dito. "I don't know what your talking about" nanggagalaiting sagot niya dito.
"Hindi ka kase tumitingin sa dinaraanan mo eh!"
"It's not my fault if manang and I are---"
"KD, bata ka. Halika nga dito. Saan ka ba sumusuot? Marami pa namang tao dito. Malalagot talaga 'ko sa Mommy at Daddy mo kapag nawala ka" hindi na natapos ni KD ang kanyang sasabihin ng biglang dumating ang yaya niya habang hingal na hingal at nakahawak pa sa dibdib. Lumapit ang matanda kay KD. Pinunasan niya ito ng pawis at nilagyan ng bimpo sa likod.
"Aliyah, what happened to you? Why are you crying?" Agad lumingon ang batang babae sa pinanggalingan ng boses na halata ang lubos na pag-aalala. Inalalayan siya nitong makatayo at pinagpagan ang damit nito dahil maalikabok at mabuhangin sa parke.
"Mommy, 'yung bata po binangga ako" umiiyak na sumbong ni Aliyah sa kaniyang mommy habang nakaturo sa batang si KD.
"Ay Ma'am, pagpasensyahan niyo na po si KD, sadyang malikot lang po ito" Pagtatangol agad ni manang Lusing sa kanyang alaga. Agad namang lumingon ang nanay ng batang babae at pinagmasdang maigi ang matanda. Kita ang gulat sa mukha nilang pareho ng magtama ang kanilang mga mata at makilala ang isa't isa.
"It's okay po. I think it's not only his fault. My daughter is playing around too. Don't worry po, i'll take care of her always so that she will not lost in my sight again " naiilang ngunit magalang na wika ng nanay ni Aliyah sabay baling at ngiti sa kanyang anak.
YOU ARE READING
Merged by the Past
Teen FictionMERGED SERIES#1 "I don't believe in destiny, because it's just made to wait for nothing and get hurt while hoping" Date Started: June 11, 2020 Date Finished: