"Coming up, Ma'am" sagot ko sa costumer ng ipa-follow up niya 'yung order niya. Pumunta ako sa counter at nagsalita sa mic na nando'n. "Pa-follow up ng order ng table 23, please"
Kasalukuyan akong nadito sa J Restaurant ngayon. Halos lahat kami ay abala dahil sa dami ng tao ngayon sa loob. Dinagsa ang kami dahil merong free ngayong araw para sa anniversary ng restaurant. Pagkagaling sa school ay sabay kaming pumunta dito ni Eryz. Alam ko namang mangyayari ito, kaya nagbaon ako ng damit para dito na lang magpalit mamaya bago umuwi.
Pasado alas nuwebe na ng gabi, halos okupado pa rin lahat ng lamesa. Meron pang ibang nakatayo habang inaantay kung sino ang unang matatapos. Ako ang nagse-serve ng pagkain. Ako na rin ang naglilista ng order ng ibang costumer dahil sa haba ng pila. Isa lang kasi ang cashier namin at tanging si Eryz lang ang namamahala doon.
Halos estudyante lang din ang mga costumer namin. Nang malapit nang mag-alas dyes ay unti-unti na ring nababawasan mga tao.
May pumasok na dalawang costumer kaya pagka-upo nila ay siyang lapit ko.
"Good evening, Sir, Ma'am. Welcome to J Restaurant" masayang sabi ko. Inilapag ko ang menu. Humarap naman sa'kin 'to. "Vian!" masayang sabi ko dahil hindi ko inaasahan na makita siya dito.
"Oh, Mollie. Ikaw pala 'yan. I didn't expect you're here" sabi nito sabay tayo at bumeso pa sa'kin. Medyo nailang pa 'ko dahil amoy pawis ako. "So, you work here?"
"Oo, matagal tagal na rin" sabi ko. Tinignan ko 'yung lalaking kasama niya. Nakatingin siya sa menu.
"By the way, I like you meet, Jacinth Aiden Esguerra. He's SSG Auditor" pakilala niya sa lalaki.
"Ahhh" tumatangong sabi ko.
"Jae" (jey-e) tumayo siya at hinilad ang kamay niya. Sa tingin ko ay mahiyain siya dahil nakayuko lang siya at nakatingin sa kamay niya.
"Oops, you don't have to take his hands" pigil sakin ni Vian ng akmang aabutin ko na 'yung kamay ni Jae. Bumaling ito kay Jae. "She's Mollie" mataray pang sabi niya. Hmm smells like jelly Vian. Napangiti ako dahil don. Lumapit ako Vian para bumulong.
"Boyfriend mo siya, Vian?" Usisa ko.
"Future husband not boyfriend" confident at kinikilig na sabi niya pa. "I can't wait to be her wife soon" nilagay niya pa ang dalawa niyang kamay sa pisnge.
"Wait lang, anong order niyo?" Tanong ko sa kanila. Umupo naman na ulit sila at namili na ng oorderin. Pagkasabi non ay ibinigay ko na kay Eryz 'yung order nila.
"Table 5" sabi ko, pero nakatingin lang siya sa'kin at hindi inaabot 'yung listahan ng mga order.
"Magkakilala kayo?" Seryosong sabi niya.
"Sino? Si Vian? Ahh oo. Siya 'yung nag-guide sa'kin nung in-orient ako ni Mr. President" nakangiting sabi ko pero wala siyang sagot at kinuha na niya ang list. Hindi na lang ako nag-usisa dahil nasa trabaho pa kami.
Nagliligpit na kami ngayon. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to. Pagkatapos naming iayos ang mga lamesa at upuan ay dumiretso na agad ako sa employee restroom dahil sobrang lagkit na ng katawan ko. Paglabas ko ng restroom ay naabutan kong nagpapaalam na ang ibang employee. Naiwan kaming dalawa ni Eryz dito sa restaurant dahil hindi pa siya tapos mag-encode at mag check.
Habang iniintay ko siya ay naupo muna ako sa isang silya sa tapat ng conunter. Nilapag ko sa table 'yung bag ko para ayusin ang laman non. Habang inaayos ang mga notebooks at ibang gamit ko ay nakita ko ulit 'yung cellphone na ibinigay ni Nay Margie kaninang umaga. Naka-sealed at nasa box pa rin 'yon.
YOU ARE READING
Merged by the Past
Roman pour AdolescentsMERGED SERIES#1 "I don't believe in destiny, because it's just made to wait for nothing and get hurt while hoping" Date Started: June 11, 2020 Date Finished: