"Wag, wag mo kong hawakan" nagmamakaawang piglas ko sa taong may hawak ng kamay ko. Sobrang nanghihina na ko.
"Wag, wag, wag!"
"Mollie!" Nagising ako dahil sa sigaw ni Eryz. Hawak niya ang dalawang kamay ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba at takot. Agad akong napayakap sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng luha ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko.
Palagi akong nakakaramdam ng ganito sa tuwing nagkakasakit ako. Palagi akong nanananginip tungkol sa mga bagay na hindi malinaw ang mga mukha at pangyayari kung kaya't hindi ko matukoy kung may kinalaman ba iyon sa'kin. Pero hindi iyon ganito kalala gaya ng sa ngayon.
"Are you okay?" Alalang tanong ni Eryz ng mahimasmasan ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko pero nakayuko lang ako.
Umiling ako bilang tugon. Dahil hindi talaga maayos ang pakiramdam ko.
"I think we need to bring her home" napalingon ako sa nagsalita. Si Ken iyon. Nakatayo siya sa may paanan ng kamang hinihigaan ko habang nakahalukipkip at walang emosyong nakatingin kay Eryz. Hindi ko man lang naramdaman na may ibang tao pala dito.
Agad akong nagpunas ng luha at mariing napapikit dahil naalala ko 'yung mga salitang ibinato niya sa'kin kahapon. Pagtapos ng pangyayaring iyon ay makikita ko siya rito. Umaakto na para bang walang nangyari.
Napadilat ako at tumingin sa pinto ng bumukas iyon. Iniluwal non si Kier at Dave. May dalang tray si Kier na naglalaman ng gamot at isang basong tubig. Nang makita niya kong gising at nakaupo na ay agad siyang lumapit sa'kin. Si Dave naman ay umupo sa couch na nasa paanan ng kama na nakadikit sa pader. Sumunod naman si Ken at umupo din doon. Hindi ko alam kung paanong nakapunta sila dito at hindi ko rin makita ang dahilan kung may pakialam ba sila.
"You're awake" nakatinging sabi niya habang ginulo pa ng bahagya ang buhok ko.
Iniabot niya sa'kin ang gamot at baso ng tubig. Tinitigan ko lang 'yon.
"Hindi mawawala ang sakit mo kung tititigan mo lang 'yan" mapait na wika ni Kier.
"Hindi naman kase talaga 'to nakakawala ng sakit. Pina--" bwelta ko naman dito pero hindi ko na natapos dahil nagsalita bigla si Eryz.
"Pinapainam lang nito 'yung pakiramdam mo tapos babalik din" putol ni Eryz sa sasabihin ko sana. Alam na alam niya 'yung line ko, iyon kase 'yung sinasabi ko sa kanya sa tuwing papainomin niya 'ko ng gamot.
Natawa naman si Kier at si Dave dahil don. Si Ken? Ganun pa rin 'yung itsura niya, walang pinagbago.
"You really know her" nakangiting sabi ni Dave.
"Syempre mula bata magkasama na kami" confident naman na sabi ni Eryz. Nagngitian lang sila sabay baling sa'kin ng tingin.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Masyado ka kaseng napagod kahapon" Tanong ni Kier.
Sasagot na sana ako ng biglang tumayo si Ken habang nasa bulsa ang mga kamay. Ngumisi siya bahagya bago lumabas. Anong problema ng isang 'yon?
"Medyo okay na kumpara kanina" tumango naman sila.
"I was waiting you in the library when Dave called me. He said that you're unconsious so I came here to check you out. Actually, kababalik ko lang ulit dahil may class pa ko kanina. Si Eryz lang naiwan dito" paliwanag niya sa nangyari.
"Si Mr. President ang nagbantay sa'yo. May quiz kami sa class namin kanina" sagot naman ni Eryz. Sabay kaming nagulat ni Kier dahil sa sinabi ni Eryz.
"ANO? B-baket?" Utal na sabi ko.
"Napadaan kase siya sa hallway kanina kaya naisip namin na siya muna ang magbantay sa'yo. Since siya naman 'yung may kasalanan kung bakit ka nagkasakit" nakataas ang isang kilay na sabi ni Eryz.
YOU ARE READING
Merged by the Past
Teen FictionMERGED SERIES#1 "I don't believe in destiny, because it's just made to wait for nothing and get hurt while hoping" Date Started: June 11, 2020 Date Finished: